KINALIMUTANG BATHALA 15

4 0 0
                                    

KINALIMUTANG BATHALA(Book 2)
                        15

Sa kagandagan ng lugar ay naiisipang ayain ng binata ang dalagang maligo. Sa batis na pinaunlakan naman nito.

Kapwa ito bumalik sa kani-kanilang kwarto upang mag bihis.

Ng makarating si Mich sa batis ay naroon narin si Octaviuos. Na pawang nakasuot ng mahabang pang ibabang kasuotan na kulay puti at walang suot pang itaas. At kitang kita ang mala adonis nitong katawan at napakatikas na tindig.

Samantala ang dalaga ay naka 2piece lang.
kita Mula rito ang kagandahan ng hubog ng katawan nito.

Maging ang dalaga ay namangha sa kakisigan ng binata.

(Sa isip ng dalaga)
Mich: ang sexy pala nya kapag walang damit.
"Mich ano kaba..!!! Wag kang mag isip ng kung ano-ano focus..!!! Maliligo lang kayo sa batis. Nang kayong dalawa lang....hayss...ano batong nasa isip ko..

Matapos noo"y inaya ito ng binata.

Octa: Mich tarana Maligo na tayo.

At iniabot naman ng binata ang kanyang mga palad dito.

Mich: ha??? Ss..ss..sige.

Kapwa sila lumusong sa tubig at nag tampisaw.
Nag harutan at tila mga batang nag lalaro sa batis.
Nang mga ilang sandali ay umahon ang binata upang uminom ng juice.

Mula sa kinaroroonan ng binata ay tanaw nito ang dalagang masayang nag tatampisaw sa tubig.

Habang lumalangoy ang dalaga nakaramdam ito ng pulikat Sa tubig.kaya nanigas ang isang binti nito.

At doon unti-unting lumubog ang dalaga sa tubig.
dooy tila na lulunod ang dalaga. doon din mismo bumalik ang kanyang alaala. Noong minsang nalunod ito dahil sa pag-liligtas sa isang bata.

Habang bumabalik ang mga alaala nito ay tuluyang lumubog ito sa tubig.

At nawalan ng malay. Ng biglang walang patumanggang lumusong ang binatang si Octaviuos. Upang sagipin ito.

""Ha.....!!!
Ha...!!
Ha...!!

Hingal ng binata habang inaahon ang dalaga sa pampang ng batis.
At nag sagawa ito ng life support.
Binigyan nya ito ng hangin gamit ang kanyang bibig

Octa: gumisin ka......Aurora....... Gumising ka....!!!!!....paki-usap mahal ko...wag mo akong iiwan...ulit ... Paki usap imulat mo ang iyong mga mata..!!!!

Ng biglang.....

Ah.....ah ....hum.....uh .....

Isang malakas na hingal mula sa babae.

Walang ano-ano'y niyakap ng binata ang dalaga. Habang bumubuhos ang luha.

Octa: sa wakas nag kamalay kana. Akala ko mawawala ka ulit saakin...

Iyak ng iyak ang binata dahil sa nang-yare sa pinaka mamahal.

Mich: mahal ko.....

Tila nakuryente at binuhusan ng malamig na tubig ang binata habang naka yakap sa dalaga. Dahil sa tinuran ng dalaga At unti unting lumingon ito sa babae.

Mich: Octaviuos mahal ko...

At tumulo ang masaganang luha ng dalaga. At muli ay yumakap sa binata na tila sabik na sabik.

Octa: natatandaan mo na ako?

Mich: Oo mahal ko bumalik na ang mga alaala ko.

Octa: pero paano??

Mich: habang nalulunod ako biglang bumalik ang mga alaala ko. Gaya noong sinubukan kong iligtas ang isang bata sa pag kalunod.

Octa: Salamat at nag balik ka.

Muli ay tumangis ang binata sa labis na tuwa.

Muli silang nag yakapan ng puno ng pag mamahal.

At dahan-dahan nag tama ang kanilang mga paningin. At dooy naganap ang pag bibigay ng mga mapag mahal na halik. Sa bawat isa.
doo'y na pag bigyan ang tawag ng pag mamahal. Ng dalawa sa bawat isa at naganap ang matagal ng pinipigil na nararamdaman.

Matapos ang tagpong iyon ay kapwa sila umalis ng resort. Bitbit ang kanilang matamis na pag iibigan.

Ng makauwe ay muling naramdaman. Ni octaviuos ang presensya ni Scepcsis.

Pag bukas ng pinto ay naroon muli ang nag babalat-kayong matanda.

Bumati naman ang dalaga bago pumasok sa loob ng silid.

________________________________________________________________________________

Agad na nag lakad ang dalawa papuntang hardin at doon nag usap.

Habang naka upo ang matanda sa isang metal na kulay gintong lamesa.
dinukot nito mula sa kanyang bulsa ang isang mapulang mansanas. At iniabot sa binata.

Ngunit imbes na tanggapin ay tinapunan lamang nito ng masamang titig ang matanda.

Sep: hm.......kay pula at kay sarap ng mansanas na ito.
Sublit may nakalalasong buto.

Habang ito ay nag wiwika ay palibot itong nag lalakad sa likuran ni Octaviuos.

Octa: ano ang nais mo?

Sep: Maari ko nabang makuha ang ipinangako mo saakin. Dahil natupad na ang iyong nais. Napasakamay munang muli ang babeng iyon. At nag balik narin ang mga alaala nya diba?

Octa: paano mo nalaman ang tungkol dyan.

Sep: hindi na mahalaga kung paano ko nalaman.Panahon na upang mag bayad ka...!!!

At umangil ito ng kakilakilabot.

Octa: Ano ang ipapagawa mo saakin? Huwag lang patungkol sa babaeng mahal ko.!!
Sep: relax kalang wala akong balak sa babaeng iyon. Dahil mas entersado ako sa iyo. Oh ...sabihin nalang natin sa pakpak mo at kapangyarihan mo.

Octa: ano!!!! ?Napaka tuso mo talaga.!!!

Sep: bakit kung sakali-bang sinabi ko ang kapalit tutuloy kapaba!?? ...hahahahah....

At isang napaka lutong natawa ang pinakawalan nito.

________________________________________________________________________________

Sakabilang dako naman...

Nakasilip pala sa salamin na pinto ang babaeng si Michaela at palihim na nakikinig sa dalawa.

At agad na tumalilis ng takbo ng maramdaman nito ang pag lakad papasok ng binata.

Pag pasok ng binata ay halata ang pag kabalisa nito.
Tila ito ay nalilito dahil hindi nito malaman ang gagawin.
Nang biglang lapitan ito ng dalaga at yakapin ito sa likod.

Itutuloy.....

Better known.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KINALIMUTANG BATHALAWhere stories live. Discover now