"Kuya, sorry p....." di na natuloy ni Jonas ang sasabihin niya nang takpan ni Ace ng dalawa niyang daliri ang kaniyang bibig.Mata sa mata! Buong pagsusumamong pagtitig ni Ace sa mga mata ni Jonas.
"Pwede mo bang gawin ulit?" ang pakisuyo ni Ace.
Ang ganitong pagkakataon sa buhay ni Jonas ang iniiwasan niyang mangyari. Ang mga tagpong mahirap para sa kaniya ang tumanggi dahil sa tawag ng laman.
"Jonas, pwede mo bang gawin ulit?" tanong ni Ace sa ikalawang pagkakataon.
"Gagawin ko ba?" tanong ni Jonas sa isip palibhasa ay alam niyang higit pa roon ang kahahantungan kapag ginawa niya iyon.
"Pero gusto ko. At pangarap ko matikman si Sir Caesar." sa isip ni Jonas.
Hinawakan ni Jonas ang kamay ni Ace at inalis sa kaniyang bibig.
"Kuya?" tanging nasambit ni Jonas at yumuko siya para tumakas mula sa pagkakatitig ni Ace.
Ramdam ni Ace na nahihiya at hindi nakahanda si Jonas.
"Ano ba itong ginagawa ko?" tanong ni Ace sa kaniyang isipan at huminga ng malalim, pagkatapos ay niyakap niya si Jonas.
"Sorry, Jonas." bulong ni Ace.
"Kuya Ace..." tanging nasabi ni Jonas at yumakap din siya kay Ace dahil sa hiya at pagdadalawang-isip at pagkalito.
Namalagi sila sa ganoong yakapan ng ilang minuto at walang nagsasalita, nakikiramdam lamang sa isa't-isa.
.
.
.
"Kuya?" pagbasag ni Jonas sa katahimikan."Hmmm?" tugon ni Ace.
"May aaminin ako sayo." wika ni Jonas.
"Nakikinig ako." tugon ni Ace.
"Masaya po ako ngayon. Hindi ko kasi ini-expect na mayayakap kita. Mula po kasi noong Day 1 ko sa trabaho hanggang kahapon, pangarap ko lang na mayakap ka kahit sandali." wika ni Jonas.
"Masaya rin ako para sayo." seryosong tugon ni Ace.
"Jonas?" pagtawag ni Ace.
"Kuya?" maikling tugon ni Jonas nang tumingala ito at tumingin sa mga mata ni Ace.
Sa muling pagkakataon ay nagkatitigan sila, mata sa mata na tila nangungusap ang isa't-isa.
"Gagawin ko na." sa isip ni Ace.
"Gagawin ko na." sa isip ni Jonas.
Unti-unti ay lumalapit ang mukha nila sa isa't-isa hanggang sa magtagpo ang kanilang mga labi.
Naging marahas ang paghalik ni Ace sa manipis na labi ni Jonas.
"Hindi ko alam ang gagawin ko!" sigaw ng isip ni Jonas.
Unti-unti nang pumapasok ang dila ni Ace sa bibig ni Jonas. Hindi pa rin alam ni Jonas ang kaniyang gagawin, sumabay na lamang siya sa ginagawa ni Ace, ginaya niya ang kilos ng bibig at dila nito.
Biglang tumigil sa paghalik si Ace, pagkatapos ay bumangon siya. Inilahad niya ang kannag kamay niya kay Jonas hudyat upang bumangon din ito, at inabot naman ni Jonas ang kamay ni Ace at naupong paharap sa kaniya.
"Sundan mo lang ako." bilin ni Ace dahil napansin at ramdam niyang hindi sanay si Jonas sa kanilang ginawa.
Tumango lamang si Jonas. Pagkatapos niyon ay hinubad ni Ace ang kaniyang suot na sandong itim. Pagkahubad niya niyon ay sinunod niyang hubarin ang sando ni Jonas, samantalnag si Jonas ay sunod lamang sa ikinikilos ni Ace.
