Chapter 3

20.9K 207 9
                                    


"Dan, ready ka na ba?" Tanong ni Ace.

"Opo." Maikling tugon ni Daniel dahil medyo naiilang pa siyang tumingin sa kuya niya.

Pasado alas 10:00 na ng umaga nang makarating sila sa puntod ng yumaon nilang ina. Unang beses nilang dumalaw doon mula ng ilibing ito.

'Di maiwasan ni Daniel na makadama ng lungkot, dahil sumapit ang kaarawan niyang wala ang kaniyang ina.

"Ito ang unang kaarawan ko na wala ka inay." Malungkot na pahayag ni Daniel sa isip niya.

"Pero kahit paano po masaya pa rin ako, kasi kasama ko naman si kuya." dugtong niya.

"Dan, gusto mo bang dumalaw tayo kina lola Pacing?" Tanong ni Ace.

"Sige po, kuya." Tugon ni Daniel.

Si lola Pacing ang tumayong magulang ng kanilang ina noong kabataan pa nito. Kaya pamilya na rin ang turing ng matanda sa mga anak ni Amor, ang ina ng magkapatid na Ace at Daniel.

Tanghaling tapat nang makarating sila sa bahay ni lola Pacing. May kaya sa ito buhay, pero nagpakatanggi-tanggi ang kanilang ina noon na tumanggap ng pabor mula sa kanila, dahil ayaw niyang makagulo sa mga anak nito. Pero ganon pa man, ay hindi naman sila nalilimot ng pamilya ni lola Pacing kahit noong nabubuhay pa ang kanilang ina.

"Alejandro, nariyan pala kayo." Bungad ni lola Pacing.

Alejandro ang madalas itawag ng matanda kay Ace, pangalan ng kanilang ama. Magkamukha kasi ang mag-ama noong kabataan pa nito. Pero hindi na ito inabot ni Daniel.

Ang alam lamang ni Daniel ay namatay ang kanilang ama noong nasa sinapupunan pa lamang siya ng kaniyang ina. Ni hindi rin niya nakita kahit ang lumang larawan nito.

"Happy Birthday, apo." Pagbati ng matanda kay Daniel.

"Salamat po, lola." masayang tugon ni Daniel.

April 12 noon. Masaya silang nananghalian sa bahay ng kanilang lola Pacing kasama ang mga apo nito na ang iba ay hindi pa kakilala ni Daniel.

Mahigit dalawang oras na ang lumipas, paalis na sana ang magkapatid saka naman dumating ang isa sa mga apo ni lola Pacing na kanina pang hinahanap at hinihintay ni Daniel.

"Nandiyan na siya!!!" napakasayang wika ni Daniel sa isip niya.

Siya si Karlo Ignacio Familiara.

Para kay Daniel ang kuya Karlo niya ang pinakagwapo sa mga apo ng lola Pacing nila. Hindinlang yon, kundi ang kuya Karlo niya ang pinakagwapo sa paningin niya. Medyo matangkad, maputi, mamula-mula ang mga labi, matangos ang ilong, at may nakakaakit na adam's apple.

"Kuya!..." Maligayang salubong ni Karlo kay Ace.

"Oy, Tisoy! Long time no see." Bati naman ni Ace at nag beso silang dalawa. Close kasi sa isa't-isa ang dalawa.

Hindi pa ipinapanganak si Daniel, madalas na silang magkasama noon na parang magkapatid.

"Kuya, pasensiya po ulit. Hindi ako nakarating sa burol ni tita Amor." paghingi ni Karlo ng paumanhin. Nasa pag-rereview kasi siya sa Davao at nagkataon pang walang byahe dahil sa nagdaang bagyo.

"Asan si Daniel?" Pabiro ni Karlo na kunwaring hindi nakita si Daniel.

Halos isang taon din silang hindi nagkita sina Daniel at Karlo.

"Namiss ko yan..." wika ni Daniel sa isip niya na ang tinutukoy ay ang parang musika sa pandinig niyang boses ng kuya Karlo niya.

Noon pa man ay labis na ang paghanga ni Daniel sa kuya Karlo niya.

Ang Sarap Mo, KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon