Chapter 17

9.5K 135 33
                                    


"Salamat Mr. Luciano sa pagtitiwala at pagtanggap sa aming kompanya. Sayang lang at hindi ko na-meet si M.A.C." wika ni Mr. Honesto na bagong business partner ng House of M.A.C. 

"Huwag kang mag-alala Mr. Honesto, makakarating kay M.A.C. ang inyong pagpapasalamat." tugon ni Mr. Luciano, ang personal na abogado ni M.A.C.

Si M.A.C. ang Owner at CEO ng House of M.A.C.

Tangi sa abogado at secretary, walang nakakaalam kung sino si M.A.C.

.
.
.

"Good Morning, Ma'am Eunice." pagbati ni Ace sa Manager ng Department na kaniyang kinabibilangan.

"Caesar, mabuti at nakarating ka kaagad kanina pa kita tinatawagan, hindi mo naman sinasagot." tugon ni Eunice.

Caesar ang tawag kay Ace sa trabaho. Si Ace din ang kasalukuyang Assistant Manager ni Eunice.

"Problema nga 'yon. Naiwan ko kasi ang Cellphone ko sa Van na naghatid sa amin sa Dorm." tugon ni Ace.

"Ma'am, mauna na po ako sa Convention Center." pagsingit ni Jonas na nginitian at tinanguan naman ni Eunice.

Si JONAS CO, isa sa mga intern sa Department na kinabibilangan ni Ace.

"Sir." pagbati ni Jonas kay Ace bago ito tuluyang umalis.

"Bakit nga pala parang may mga VIP's sa lounge, pati mga business partners ni M.A.C. nandito rin sa building?" dugtong na tanong ni Ace.

"Ngayon na rin kasi ang Inauguration ng bagong branch House of M.A.C. dito sa Cebu." tugon ni Eunice.

"Biglaan yata? Akala ko magkakaroon lang tayo ng seminars at project proposals." tugon ni Ace.

"Di ka pa ba sanay?" tanong ni Eunice na nginitian lang ni  Ace.

"Teka! Ibig sabihin ba niyan dito na rin ako maa-assign sa Cebu?" tanong ni Ace.

"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong ni Eunice.

"A, eh... Paano naman yong kapatid ko?" tugon ni Ace.

"Hmmm. Alam mo Caesar, isa ka sa inirerekomenda para sa promotion?" tugon ni Eunice.

"Ako?!" gulat na tanong ni Ace.

"Bakit? Malilipat ka ba ng Assignment?" dugtong ni Ace.

"Guess what?" wika ni Eunice.

"Magreresign ka?" tanong ni Ace.

"Ano ka ba!? Syempre hindi. Ako na kasi ang maa-assign dito sa Cebu branch." tugon ni Eunice.

"Ahhh... E pano po kami doon? Bago nanaman magiging Manager namin? Hindi ba pwedeng huwag ka na lang magpalipat ng assignment?" litanya ni Ace.

"Alam mo Ace, matagal ko nang ipinagdasal ito na sana magkaroon ng branch dito sa Cebu." tugon ni Eunice.

"E baka nakakalimutan mo, taga rito ako sa Cebu, nandito rin ang pamilya ko." dugtong ni Eunice.

"Hmmm. Oo alam ko. E pero...." tugon ni Ace na hindi natapos.

"Sshhhh, ikaw na rin naman ang papalit sa akin doon sa main. Hindi ba't mas magandang opportunity yon para sayo?" pagsingit ni Eunice.

"Oo nga pala. Huwag kang magpapalate mamaya, alas 7:00 ng gabi ang simula ng program." bilin ni Eunice bago sila magpaalaman sa isa't-isa.

Ang Sarap Mo, KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon