Days. Weeks. Passed by... Nagkaka move on narin ako pero hindi pa Fully recovered... Nakatanggap nanaman ako kahapon ng note na nagsasabing......
" your heart needs more time to recover... And Im willing to wait just for you"
-J.A.-Napangiti nalang ako . Sino ka ba talaga J.A.??? Malaki ang pasasalamat ko sa taong ito dahil sa mga binibigay niya... Gumaan ang pakiramdam ko ...
Patuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa biglang dumaan si Jael sabay ... BINIGYAN niya ako ng note and said....
" Give him a chance ..... You'll never know if he's the one for you :-) "
Binasa ko ang nakasulat....
" It's not going to matter how many breaths you took, but how many moments you took my breath away...."
-J.A.-'I giggled... Waah!!! Kinikilig ako... Haha feels like im WALKING IN THE RAIN... Hahaha... Pumunta ako sa cafeteria to buy something to eat nagugutom na kasi ako....
Kumakain ako ng pizza ng biglang sumulpot si jomar...He smiled and said..."Here read this...."
" If no one's brave to catch you, Don't worry I'm always here to catch you when you fall..."
-J.A.-Jomar just winked at me... Then he said
" kung ako ang taong yan, may pag-asa kaya ako??? Hahaha "
Then he walked away.... Jomar has been my childhood friend . We were so close that almost he knows everything about me. He's been a good friend since then. He was kind. Happy go lucky pero grade conscious. Tatanungin ko na sana sya sa sinabi niya ng bigla syang nawala..
Palingon lingon ako hanggang nakita kosiya na nandoon sa hallway... Hala!!! Ba't ang bilis niyang nawala??? Parang Kabute....
..
.
.Pumunta ako sa classroom ... Nakakita na naman ako ng note pero ngayon may kasama ng bulaklak....binasa ko...
" Roses are red. Violets are blue.
God made everything beautiful....
Especially YOU "
-J.A.-My heart skipped a bit. Bigla kung naisara ang sulat . Naramdaman kong parang may mga kabayong mabilis na tumatakbo.. Back and forth .... Sa bandang bahagi ng chest ko... Tiningnan ko muli ang sulat at nakita ko sa may likurang bahagi na may nakasulat...
"See you tomorrow night MY DEAR PRINCESS"
Hanggang sa umuwi ako ... Gulung-gulo parin ang isip ko sa huling nabasa ko
" See you tomorrow night MY DEAR PRINCESS "
ANO NGA BANG MAYROON BUKAS...saka ko naalala ... Oo nga pala PROMENADE NIGHT....Umuwi ako saka humiga sa kama.... Sino naman kaya si J.A.??? Tatlong tao lang ang nakikilala kong J.A. ang pangalan
1.) Jomar Augustin.... Oo nga bestfriend ko sya.. Pwede rin naman kasi matagal na kaming magkakilala bata palang.. Di rin naman siguro masama pag siya diba??? Pero parang magkapatid lang naman kami....
2. Jael Alegre... Kakakilala palang namin... Pero pwede rin namang LOVE AT FIRST SIGHT diba??? Hahaha... No! No! No! Hahaa ang adik naman pag ganon haha... Baka may lihim siyang pagtingin sakin noon pa?? Haha
3. Jarvis Alcantara... Haha si SUNGIT??? Imposible yon!! Haha e pano yun gagawa ng ganito e palagi lng yung naka sungit mode saka parang wala man yung pakiramdam "
Hahaha... Parang nababaliw na ako sa mga pinag iisip ko... Hayaan ko na nga lang... Makatulog na ngaaa....Makikilala ko naman siya bukas