LUCY'S POV.
"Nene!!! Tanghaleeee na! Bumangon kana dyan!"umikot ako ng higa at kinuha ang unan at itinulakbong yon sa mukha ko para naman mabawas-bawasan ang kaingayang naririnig ko.
Ang aga - aga naman ng pang titilaok ng bunganga ni Auntie. hmp.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto pero di ko yun pinansin dahil sa sobrang antok ko.
"Hay naku kang bata ka! Di kana talaga nag tanda! Kay tanghaleng tapat nakahilata kapa dyan! "Patuloy na pagtitilaok nya at nakakarindi yon sa tainga."o eto! Bakit itong bra mo ay nakasabit dito sa bintana mo?! Nako kang bata ka! Dalaga kana! Konting hiya naman ! O ayan yang panty mo nakasuot pa sa ulo ng teddy bear na binigay sa'yo! Konting ingat naman ! Hayss masisiraan ako ng ulo sa'yong bata ka! Abat hoy bumangon kana dyan!"pwersahang hinila nya ang kumot ko kaya naman nasilaw ang napaka ganda kong mata sa liwanag na nanggagaling sa bintana.Kinusot-kusot ko ang mata ko pero inaantok parin talaga ako kaya naman ipinikit ko na ang mga mata ko.
"Aba-aba! Nene! Napaka tigas talaga ng ulo mo! Di ka tatayo? O baka gusto mong lapitan pa kita dyan at makurot ka sa singit!"Dahil sa antok ko ay di ko sya pinansin.Pero mag uumpisa pa lamang sana ang panaginip ko ng...
"Araaaaaay! Auntie naman e! Awts ang sakit po kaya!"angal ko pa ng mapabalikwas ako ng tayo dahil sa pinong-pino nyang kurot sa singit ko.!
Kakamot kamot ako ng ulo at napanguso habang inaayos nya ang mga damit kong nakakalat sa lapag.
Sandaling humarap sya sa akin.
"Bumangon kana! diba sabi mo ay ngayon kana maghahanap muli ng trabaho,dalian mo na at tanghale na!"sabi nya lang at iniwan na ako.
Ang aga-aga pa kaya.:3Wala na ang Papa ko at ang Mama ko naman ay nag dodoble kayod sa ibang bansa para lang makatapos ako ng pag aaral sa kabutihang palad ay nakapag tapos naman ako pero napaka malas kong maghanap ng magandang trabaho.
Wala akong mahanap na malaking kikitain sa magiging trabaho ko.
Gusto kong mag ipon para pauwiin na si Mama.Alam kong nahihirapan na sya.Pasalamat na lamang ako sa Auntie ko dahil sa Pagkupkop nya sa akin.
Napaka rami naming bayarin,At tambak na rin kami sa utang dahil sa pagpapagamot sa pinsan kong si Mimi pitong gulang palamang sya ngayon at dalawang taon pa lamang sya noong pinakupkop rin sya ng mga magulang nya.Kagaya ng Mama ko ay pumunta rin ang mga magulang nya sa ibang bansa upang mag trabaho.
nagpapadala naman sila ng Pera kaso kulang yon dahil sa palagiang pag atake ng Asthma ni Mimi.
Parang kapatid na rin ang turing ko kay Mimi at sa tuwing nakikita ko syang nagihirapan ay mas lalong nahihirapan ako.Napaka bata nya pa para pag danasan ang ganitong sitwasyon.Kaya gagawa ako ng paraan para makatulong man lang.
Dali-dali na akong gumayak .
Sana naman ay makahanap na ako ng magandang trabaho ngayon.
Fighting! Kaya ko to!
*****
AN// hi guy's kung di maganda ang simula sorry dahil umpisa palang naman yan..
Wag kalimutang mag vote,comment at Follow hihi thanks;)
-iandyzer15
BINABASA MO ANG
MARRY ME
General FictionPano kung makatagpo ka ng isang lalaki na hindi mo naman kilala at aayain kang magpakasal? aayon kaba sa kagustuhan nya? papayag kaba at hahayaang magpakasal sa kanya?