Kita mo'to! Grabe e mali daw ako sa naiisip ko.Aba! Kung mali ako dapat nyang itama pero ano! Wala na! Natahimik na sya agad! Lechugas!
"Magbihis ka!"pagkasabi nyang yon ay initsa nya sa mukha ko ang isang dress na pang elegante ang dating.
"Mukha ba akong,? Nakahubad sa tingin mo? Alam mo ikaw,Napaka manyak mo"
"Dada ka ng dada dyan e kung nagbihis kana,edi tapos!"
"Arghhhh"
"San'ba tayo pupunta? Ba't kailangang' gan'to pa ang suot ko?"ngumiti lang sya at deretsong tumingin sa kalsada habang nag mamaneho.
Di ko malaman kung abno ba sya o sadyang baliw lang talaga.Tss ang ganda ng tanong ko tas ngingiti lang o diba! Napaka abnormal nyang tao!
Maya-maya lang ay inihinto nya na ang kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Napaka laking building!
Tss meron naman ba kasing kubong building???hayyss
"Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa'yo ! Hoy wait!"iwan ba naman kasi ako.
"Tss. Isasama ako,tapos iiwan lang din naman pala ako"
"Goodmorning sir"
"Good morning po"
"Magandang umaga ho"
Antipatiko at suplado talaga to!di man lang nginingitian yung mga bumabati sa kanya.
Kaya ang ginawa ko ay ako nalang ngumiti at nag goodmorning sa kanila.Di katulad ni Grey isnabero.
"Diba sya yung mapapangasawa ni Sir "
"Yup.Ang ganda nya kaso di sila bagay ni sir dahil mas bagay kami ni sir hihihi"
"Loka-loka humanap ka nalang ng palaka na mas babagay sayo te"
"Sus if i know inggit lang kayo sakin hihihi dahil ako lagi kong nakakasama si sir"
BINABASA MO ANG
MARRY ME
Художественная прозаPano kung makatagpo ka ng isang lalaki na hindi mo naman kilala at aayain kang magpakasal? aayon kaba sa kagustuhan nya? papayag kaba at hahayaang magpakasal sa kanya?