LUCY'S POV
Napaka sarap ng simoy ng hangin.Napaka ganda ng paligid.Napapalibutan ito ng mga magagandang bulaklak.
Sa dulo nito ay may malaking pahugis puso don na yari sa mga pinagdidikit dikit na bulaklak at sa mga gilid ay meron nag sisi gandahang mga mga desenyo pa nito at kitang kita ko ang napaka laking cake na gawa ko.Yes gawa ko yon.Samantalang ang magiging daan naman ay red carpet.Napaka ganda ng pagkakaayos nito at talagang binigyan ng tamang oras para maging pulido ang maging resulta at masasabi kong napaka ganda talaga.
Huhuhu.
Ito naba?? Ito naba ang araw na tuluyan na syang mawawala sa akin?
Pano kung di ko kaya? Pano na ako? Pano na kami?
Kaya ko ba'to? pero hindi!
Huwaaaaa!
Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.Ang matinde pa kasi nito ako ang ginawa nilang maid of honor .Ang sakit diba?! Huhuhu pano nila nagawa sakin ito haller.Wife is here! Tapos gawin pa akong maid of v mas gugustuhin ko pa ngang mag kulong nalang ng bahay kesa naman sa ganito noh! Bat ba kasi ako pumayag e.Huhuhu.
NP.MARRY ME.by Bruno Mars
Ano ba yan nanadya ba talaga sila.?
Team song namin yan ni Grey huhuhu.
Ay dito ! dito sya mismo nag propose sa akin dati! Huhuhu why oh why?
Nag simula na akong mag lakad.
Wish ko lang maging tagumpay ang plano ko.Hihihi well may plano kasi kami nila Steve! Nung una ayaw nilang gawin kasi baka makuha sila sa video nakakahiya kabawasan daw sa kapogian nila yon.Hihihi ang plano ko lang naman kasi eentra sila at sisigaw na
'Itigil ang kasal! Buntis ako!'
Oh diba si Steve ang sisigaw nun at susunod naman ay si Oliver at si Zac at pati narin si Kael.hihihi.Ang galing kong mag plano diba.Apir tayo dyan mga pre! Hihihi
Nag simula na akong mag lakad at natanaw ko si Mommy Dayne at Daddy Zin na napakalawak ng ngiti sa akin ewan ko kung sakin o kay Sophie na nasa likod ko.Di ko naman pwedeng lingunin ang nasa likod ko baka magalit sila sa akin.
Nakita ko rin ang pamilya ko.Wait! Bakit andito sila .Huhuhu nakakahiya saksi sila sa pagpapakasal ng asawa ko sa ibang babae.
Nilingon ko naman sila Chesca,Namie,Nemy,at Mimi pawang nag sisi iyakan ang mga ito.Marahil ay ramdam nila ang sakit na nararamdaman ko.
Sunod ko namang nilingon ang tatlong bagito hihihi joke yung tatlong binata na sina Mathew,Kurt ay Ian na pawang seryoso at medyo naka ngiti rin naman.At syempre katabi nila si Bessy na walang tigil sa pag iyak.
Ramdam kita teh! Huhuhu
Sunod naman ay ang apat na ulopong na bantay ko.
Tinignan ko sila na parang gawin nila ang sinabi kong plano.Nag thumbs up naman silang apat at nag bulungan bago magsihagikgikan huhuhu.
Sana.Magawa nila ng tama!
Ngumiti ako at walang tigil ang pagbagsak ng luha ko lalo ng makita si Grey.Napaka gwapo nya sa kanyang suot ngayon at halatang naluluha pa ito.
BINABASA MO ANG
MARRY ME
General FictionPano kung makatagpo ka ng isang lalaki na hindi mo naman kilala at aayain kang magpakasal? aayon kaba sa kagustuhan nya? papayag kaba at hahayaang magpakasal sa kanya?