SOPHIE'S P.O.V
Alalang-alala na ako dahil ilang oras na kaming naghihintay ng resulta sa lagay ni Grey.
Napalingon ako sa dalawang bata.
Nanikip ang dibdib ko dahil humahagulgol sila ng iyak at ito namang si Lucy ay ganon din.Bakas din sa mga itsura ng mga kaibigan nila na nag aalala ang mga ito.
Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko.Aaminin ko nag seselos ako kay Lucy dahil lahat meron na sya.Kaibigan,Anak,Pamilya at Asawa siguro nga naging makasarili ako dahil inangkin ko ang bagay na hindi naman sakin.Pero masisisi ba nila ako na si Grey nalang ang meron ako.Di ko sya kayang mawala sa akin.Sya nalang ang buhay ko papakawalan ko paba?
Napayuko ako.At walang tigil sa pagluha ang mga mata ko.
"Here"napatingin ako sa panyong nasa harap ko at unti-unting inangat ang tingin sa taong nag aabot sakin non.
"T-Thanks"Sabi ko nalang pagka kuha ko.Gulat pa ako ng tumabi sya sa akin.
Napatingin ako sa kanya pero deteretso lang ang tingin nya sa kisame.
Aaminin kong gwapo sya pero mas gwapo si Grey.Maporma pero mas cool si Grey.Alam ko ding mayaman sya pero syempre mas mayaman si Grey.
Matangos ang ilong nya,Ang haba ng pilik mata nya tapos...tapos ahm yung lips nya....yung lips nya ano Kissable.
"You can use me to forget about Grey"gulat ako sa sinabi nya pero mas nagulat ako ng humarap sya sa akin at nakipag titigan.Para akong natatae na ewan sa titig nya.
Di ako mapakali! Argghhh nakaka asar ang lalaking to swear!
"What are you trying to say?"
"I'm offering you to use me,Di kaba naawa sa anak nila .Alam kong wala kang awa kay Lucy pero sana sa anak man lang nila.Kung di man nakaka alala si Grey ngayon hayaan mong sila Lucy ang nasa tabi nya para maalala ang lahat"seryosong sambit nya pa.Di ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kung anong bagay sa loob ko pero umuling ako sa kanya.
"No way, hindi ko hahayaan mangyare yon.At the first place ako naman dapat talaga ang asawa ngayon ni Grey e kung di lang talaga umepal sa buhay namin ang babaeng yan"Naiiritang napa sulyap ako kila Lucy.
"Sige pag isipan mo muna ang sinabi ko"sabay tayo nya at lapit sa mga kasama nya .
Ano bang alam ng lalaking yan! Tss!
Napa irap ako sa kanya at agad napatayo ng lumabas na ang Doctor.
"Who is the relative here of the patient?"
"I'm his wife"naging masama ang tingin ko kay Lucy pero seryoso lang syang nakatingin kay Doc.
BINABASA MO ANG
MARRY ME
General FictionPano kung makatagpo ka ng isang lalaki na hindi mo naman kilala at aayain kang magpakasal? aayon kaba sa kagustuhan nya? papayag kaba at hahayaang magpakasal sa kanya?