LUCY'S POV
Ilang buwan narin ang nakalipas ng magka ayos na kami ni Grey.Pero di ko parin lubos maisip kung bakit minsan ay hindi na sya nakaka uwi dito sa bahay.
Hindi kaya nagkikita parin sila ni Sophie.
Nahinto ako sa paglalakad at matamaang nag isip.
Naikunot ko ang aking noo saka hinimas ang tiyan ko.Pitong buwan na ang baby sa tiyan ko at bawal akong ma stress .
pero sa lagay ko ngayon ay ramdam kong nai stress na talaga ako sa pamalagiang ginagawa ni grey
Lumipas Ang mga araw at naiire ko na ang aming junior.
Pero sa lumipas na buwan at araw ay Hindi parin talaga ako na panatag sa mga ginagawa ni Grey.
Minsan pa ay lagi sayang nasa library room at lagi din syang may kausap sa phone.Napaka seryoso nya kung tumingin sa akin.
Halos Di ko na mabasa kung ano Ang nasa isip nya sa tuwing nakatitig sya sa akin.
Pero iisa lang Ang sumasagi na dahilan sa isipan ko.
Nag Simula Ito nung makausap nya Ang mga naka leather jacket na kaibigan nya..Simula din nun ay nag iba na Ang pakikitungo nya sa akin.
Ngumingiti sya pero may lungkot.
Kinakausap nya ako pero halata sa boses nya Ang panlalamig na parang napaka rami nyang tanong.
Tinititigan nya ako pero halata sa kanyang mga mata Ang mga tanong at Ang pagtataka.
Niyayakap nya ako pero para feeling ko nilalayo nya ako.
Agad Kong nilapitan si Dad at mommy kaso Di nila ako binibigyan ng paliwanag sa mga kinikilos ni Grey.
Hanggang dumating Ang puntong naglakas loob akong mag tanong.
"Grey ano ba! Hanggang kelan mo ipaparamdam saking napakalayo mo!? Oo nasa iisang bubong tayo! Pero Di kita mafeel na kasama ka namin ng anak mo!... Sabihin mo sakin kung Anong problema mo!,,,please wag ganito. .masakit" naluluha Kong sambit pero tinitigan nya lamang ako.At maya'mayay niyakap nya na ako ng mahigpit saka ako humagulgol ng iyak.Hinagod nya Ang aking likod at niyakap ako ng mahigpit.
"I need to do this,not for my own good,This is for your safety Lucy,and for our baby.Aalis ako,Hindi para iwan ka,kundi para sa ikakabuti nating lahat"
..
"Anong ibig mong sabihin?""Kailangan Kong alamin kung sino kaba talaga Lucy"
Author's note; end of flashback for season 2 .Paki abangan po Ang Season 2 guy's salamat:)
Thanks sa mga nagbasa Neto at nag appreciate ,sa mga nag comment salamat po:)
BINABASA MO ANG
MARRY ME
General FictionPano kung makatagpo ka ng isang lalaki na hindi mo naman kilala at aayain kang magpakasal? aayon kaba sa kagustuhan nya? papayag kaba at hahayaang magpakasal sa kanya?