IKU's POV
Love is a competition we never want to lose — dahilan kaya ako nandito, muling kaharap ang itim na gate ng babaeng niligawan at liligawan ko ng paulit-ulit.
Isang hintuturo ang nakipag-unahan sa akin sa pagpindot ng doorbell.
Dingdong.
Ngunit sa huli, 'yong hintuturo ko ang nanalo.
"Ikaw na naman? Binasted ka na 'di ba?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang lakas ng loob mong kwestyunin ako, eh pareho namang tayong binasted dito."
Naagaw ang atensyon ko ng bulaklak na dala niya. Naka-bouquet iyon, nagsisisigaw kung gaano kaganda at kamahal ang pagkakabili.
Eh, ano naman? May dala rin naman ako.
Bumukas ang itim na gate. "Oh, bakit nandito kayo?" bungad ni Shin, ang babaeng tinutukoy ko.
"Bulaklak nga pala para sa'yo," sabay naming sabi at abot ng bulaklak.
Iginilid ni Rayhle ang kamay ko. "Pinitas niya lang 'yan sa gilid-gilid. Mamaya may ihi pa pala yan ng aso, magka-rabies ka pa."
Natawa si Shin ngunit mas nangibabaw ang tawa ko.
"Utak hangin ka talaga, dre. Anong rabies sa ihi ng aso? Leptospirosis 'yon, bobo."
Ngayon, ako naman ang tinawanan Rayhle pabalik. "Mas bobo ka, sa daga 'yon."
"Google mo para matauhan ka-"
"Tama na. Tama na." Tinanggap ni Shin ang bulalak na alay talaga namin para sa kaniya. "So, ibig bang sabihin nito, liligawan niyo pa rin ako?"
Tumango ako at nakita ko ring tumango si Rayhle sa sulok ng mata ko.
"Hayaan mo akong tratuhin kang prinsesa ko." Hinawakan ni Rayhle ang kamay ni Shin at hinalikan ang likod ng palad nito.
Halos mangilabot ako sa linyang 'yon.
"But guys, ang strict nga ng Daddy ko, buti na lang talaga wala siya dito ngayon kundi panigurado malilintikan na talaga ako. Isa pa, hindi ko rin maipapangako na may pipiliin ako sainyo."
Umiling ako. "Ayos lang. Maghihintay ako. Gagawin ko ang lahat para piliin mo."
I like Shin, just her. Wala akong ibang gustong gustuhin kundi siya lang. Siya lang dapat.
BINABASA MO ANG
Shin's Suitors [COMPLETED]
Teen Fiction"Love? Ano 'yon?" tanong ni Shin, isang babaeng aromantikang may dalawang manliligaw. Posible kayang maniwala siya sa magic ng pag-ibig at mahulog sa isa sa kanila? O may isang natural na pwersang maglalapit sa dalawang pusong isa lamang ang hangar...