II - Harana

20 3 0
                                    

Love is pain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Love is pain. We'll seek to escape in order to cease hurting.

Seatmate ko si Shin sa classroom. Noon, naisip kong napaka-privilege ko at ang laki-laki ng chance kong magustuhan niya pabalik dahil ako palagi ang nakakasama niya – pero 'yon ang 'di ko sinasamantala.

Alam kong malaki ang pagpapahalaga ni Shin sa studies at nirerespeto ko 'yon ng walang halong sama ng loob.

I know my boundaries. Nililigawan ko nga siya pero sa labas ng paaralan ko 'yon ginagawa. Hindi ko gustong isipin niya na isang malaking distraksyon lang ako.

Nang dumating ang uwian, ako ang nagdala ng mga libro niya 'gaya ng nakagawian namin. Tapos palaging may isang asungot na haharang sa amin sa hallway para hatian ako sa pagdala ng libro – si Rayhle.

Sa totoo lang, sa tingin ko'y maayos naman si Rayhle para kay Shin. He always had the means to spoil her with gifts because of his wealth. Mabait din siya at maaalalahanin pero hindi pa rin ako makakapayag na mapunta si Shin sa kaniya.

Nasa parking lot na kami ng mga motor nang hawakan ko si Shin sa palapulsuhan. "Movie date tayo bukas, sabado naman eh."

"Dinner date tayo, Shin-"

Sinamaan ko ng tingin si Rayhle. "Gagaya ka na naman?"

Humakbang siya at inilapit ang mukha sa akin. "Bakit, ikaw lang ba may karapatang ayain siya?"

Namilog ang mata ko at itinulak siya palayo.

"Tumigil nga kayo!" saway sa amin ni Shin. "Ano, kasi... baka 'di rin naman ako payagan kaya huwag na kayong mag-away."

"Ipagpapaalam kita-" naputol ako sa sinasabi dahil sa taong umagaw ng atensyon ko – si Yohann. Sinundan ko sila ng tingin ng girlfriend niya hanggang sa makalampas sila sa gate.

Napapitlag ako dahil sa malakas na tapik na natanggap ko mula kay Rayhle. Niyugyog niya rin ako. "H-ha?"

"May problema ba, Iku?" bakas ang pag-aalala sa tono ng tanong ni Shin.

Napa-iling ako ng tatlong beses.

Hindi na nila ako kinulit pa. Nag-aya na rin silang umuwi. Kapag ganito, ang karaniwang nangyayari ay inihahatid ni Rayhle si Shin sa bahay niya, pero ngayong hapon, may kakaibang nangyari.

"Sumabay ka na sa amin," aya ni Rayhle sa akin na ikinatagilid ng ulo ko.

"Huwag na. Ihatid mo na lang ng ligtas si Shin, ayos na ako ro'n."

Maglalakad na sana ako papalayo sa kanila nang hilahin ni Rayhle ang backpack ko dahilan para mahila rin ako.

"Dito ka sumampa sa gitna namin ni Shin para 'di malaswang tingnan."

Napakamot na lang ako. Wala naman akong gana makipagtalo pa kaya napasampa na lang ako. Sa huli, naihatid naman kami ni Rayhle ng maayos. Naunang bumaba si Shin dahil bahay niya ang unang nadaanan namin galing sa eskwelahan. Malapit lang din ang bahay ko kay Shin kaya 'di rin nagtagal ay nakababa na rin ako.

"Salamat." Inabot ko kay Rayhle ang bente pesos. Nang bigla akong mapaatras dahil sa malakas niyang tawa na pati buong katawan niya dala.

"Anong akala mo sa akin, Habal-Habal?"

"Hambog mo, 'no?"

"Ganiyan ka ba mag-thank you? Sige, you're welcome, Jake." Tinapik niya ako bago pinaharurot paalis ang kaniyang motorsiklo.

It feels odd—it really is. Bakit kaya sinabay niya ako?

***

PAGDATING ng gabi, nagpaalam ako kay Mama na pupunta sa bahay ng nililigawan ko.

Agad naman siyang pumalakpak sa tuwa at pumayag. "Teka, pupunta ka, wala ka man lang pasalubong?"

Ibinida ko ang supot ng dalandan na nabili ko kanina sa tindahan ng kapitbahay namin. Paborito kasi ito ni Shin kaya alam kong 'di niya ito matatanggihan.

Matapos ang mabilis na pagsuot ng kaswal na kasuotan, lumabas ako sa kwarto para ipresenta ang sarili kay Mama. Inaprubahan niya naman ang ayos ko, kinairita ko lang 'yong sandaling pinag-i-i-spray niya ako ng pabango na kulang na lang ay ipaligo niya sa akin.

Hindi rin nagtagal, tumuloy na ako. Nilakad ko lang ang daan papunta sa bahay Shin dahil sa malapit lang naman ang distansya. Doble-dobleng pagsuklay pa ang ginawa ko habang naglalakad para magmukhang presentable sa harap niya at ng Mommy niya.

Dingdong.

Wala akong kaagaw sa pagpindot ng doorbell nila pero binilisan ko pa rin ang kilos habang wala pa ang Daddy niyang kontrabida sa panliligaw ko.

Sa pagkakaalam ko'y mamaya pang 10 p.m. ang dating ni Tito kaya naman sinasamantala at inaagahan ko palagi tuwing pupunta ako ng gabi rito kina Shin.

"Magandang gabi po, Tita," bati ko sa Mommy ni Shin na nakatanaw sa balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay nila.

Bumukas ang gate, iniluwa nito si Shin.

"Good evening, Shin." Halos mapanganga ako sa ayos ng buhok niya, nakatirintas iyon pagilid. "Ang ganda mo. Para nga pala sa'yo." Inabot ko ang dalandan niya.

Tinanggap niya naman ito sabay ngiti. "Salamat. Tara, pasok ka, nando'n si Mommy sa taas."

Nang marating namin ang balkonahe sa ikalawang palapag, agad akong dumiretso kay Tita para magmano at para na rin isakatuparan ang purpose ng pagpunta ko rito.

"Gusto ko po sanang ayain ang anak niyo na manood ng sine bukas po ng hapon. Pwede po ba?"

Ngiting tumango naman ang Mom ni Shin. "Kailan ba kita tinanggihan? Alam mo namang sa'yo ang boto ko palagi, iho."

"Salamat po. Sige po, Tita. Tutuloy na po ako-"

Naputol ang pag-uusap namin dahil sa tunog na likha kapag kinakalabit ang strings ng gitara. Sabay-sabay kaming napalingon sa baba at doon natagpuan namin si Rayhle, may gitara siyang saklay. Nakatingala siya sa amin habang tinutugtog ang kantang Gitara ng bandang Parokya ni Edgar.

Inis dapat ang nararamdaman ko ngayon, pero hindi ko magawang mainis sa ginawa niyang pagsabat sa pag-uusap namin ng Mom ni Shin. Pinanood ko lang si Rayhle. Namalayan ko na lang ang sariling napapapikit sa ganda ng boses niya.  

Shin's Suitors [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon