Love surely endures forever. Your heart won't lie, even if you may have been willfully blinded by your visceral hatred.
BATANES. Isa sa mga dream destination ko. Hindi ko naman alam na si Rayhle lang pala ang tulay para maabot ko ang isa sa mga pangarap ko.
Napasilip na lang ako sa saradong bintana ng private plane na kinalalagyan namin. Bandang lima ng umaga kami umalis sa Nueva Ecija at ngayon nga'y nagsisimula pa lang maging kulay kahel at bughaw ang langit.
"Mga ilang oras ba tayo lilipad papunta roon?" tanong ni Shin sa katabi.
"Mahigit isang oras lang ata," tugon naman ng isa.
"Pwede idlip muna ako?"
"Sige patong mo muna ulo mo sa balikat ko."
Nagsalubong ang kilay ko at nilingon sila. Bale nasa isang seat lang naman kaming tatlo nakaupo at si Shin ang nasa gitna.
Pikit na ang mata ni Shin, bahagyang nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Rayhle na gusto ko sanang punain at agawin ang ulo ni Shin para sa balikat ko na lang isandal pero pinili ko na lang na manahimik para makatulog na rin siya agad.
Panigurado kasing na-stress 'to kahapon dahil ayaw niya naman sana ng ideyang dadayo pa kami dahil marami naman daw sa malapit na pwedeng maging interviewee, pero nagbago 'yong isip niya nang ipaliwanag kong biological father ni Rayhle ang interviewee namin, hindi lang isang random LGBTQ member.
Kinabahan ako kahapon kasi muntikan pang mapikon sa akin si Rayhle dahil pinangunahan ko siyang magpaliwanag kay Shin, ang bagal bagal niya naman kasi. Sa huli'y nagawa niya namang ikalma ang sarili at inintindi na lang na tulong ko na 'yon sa kaniya, yamang nahihirapan naman siyang ipaliwanag 'yon sa iba.
Alam kong mas nasagad pa ang stress ni Shin dahil gusto na naman sanang magpaka-kontrabida ng Daddy niya. Ayaw siyang payagan ni Tito sa una, pero nakumbinse rin namin dahil sa rasong para sa school project lang din naman iyon. Sa huli pinayagan niya si Shin pero may kondisyon – binilin ni Titong iuwi si Shin bukas bago magtanghalian.
Lumipas ang ilang minuto'y unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko. Wala namang nagsabing bawal umidlip kaya hinayaan ko na lang din ang sariling mata na magpahinga.
"Gising, dre, nandito na tayo."
Napakusot ako ng mata dahil sa yugyog na gumising sa akin. Nang lingunin ko ang may ari ng brasong sinasandalan ko, halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha ni Rayhle sa akin.
Napatayo ako dahil sa gulat. "B-bakit ikaw na ang katabi ko?"
"Mag-thank you ka na lang. Nagpalit kami ng seat kasi 'di niya kaya 'yang bigat ng ulo mo," tinuro niya ang katabi.
Nilipat ko ang tingin kay Shin na kamumulat lang din ng mata niya. "Nandito na ba?"
Tumango si Rayhle 'saka inalalayan si Shin na tumayo para bumaba ng plane. Siya na rin ang nagdala ng backpack ni Shin.
BINABASA MO ANG
Shin's Suitors [COMPLETED]
Teen Fiction"Love? Ano 'yon?" tanong ni Shin, isang babaeng aromantikang may dalawang manliligaw. Posible kayang maniwala siya sa magic ng pag-ibig at mahulog sa isa sa kanila? O may isang natural na pwersang maglalapit sa dalawang pusong isa lamang ang hangar...