Love is a matter of fate. You just have to rely on it at times.
Trolls ang napili ni Shin na panoorin. Puro na kasi romance stories ang mga nasa pagpipilian. Knowing Shin, it's not her cup of tea, baka iwan lang ako nito pagpinilit ko 'tong manood ng James, Pat, and Dave.
Nakapagbayad na ako ng tickets at nakabili na rin snacks nang e-excuse ni Shin ang sarili.
Hawak ang selpon, nilapit niya iyon sa kanyang tainga. "Hello, Dad?" Sinenyasan niya ako ng 'sandali' gamit ang kaniyang nakabukang palad.
Tumango naman ako at saka napalingon-lingon sa paligid. Naghanap ako ng pinakamalapit na upuan kung saan pwede akong maghintay. Sakto namang may upuan sa gilid na isang metro lamang ang layo sa akin.
Naglalakad na ako papunta sa upuan ng may biglang tumapik sa balikat ko at inunahan ako sa pag-upo.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Sitting, I guess." Nginisian niya ako.
"Pwede ba? Date namin 'tong dalawa ni Shin, huwag kang bumubuntot."
Pabiro niya akong sinuntok sa balikat. "Kalma, dre. Hindi naman ako bubuntot sa inyo sa loob. Hihintayin ko lang kayo dito hanggang sa matapos ang pinapanood niyo." Itinaas niya pa ang kaniyang kanang palad. "Promise."
"Umuwi ka na."
Nagsalubong ang kilay niya. "FYI lang, ha, pinayagan din ako ni tita na maka-dinner si Shin mamayang alas-sais. Mabuti na lang talaga at nag-work 'yong harana ko kagabi kaya napa-oo ko si Tita."
"Hambog."
Biglang pumagitna si Shin sa amin. "I'm sorry, Iku. Pinapauwi na kasi ako ni Daddy, pwede next time na lang tayo manood?"
Napakurap na lang ako habang si Rayhle naman ay inilabas ang dila niya para asarin ako.
"Rayhle, sorry din. Next time na lang din tayo kakain. Pasensya na."
Hinatid namin si Shin ng tingin hanggang sa 'di na maabot ng tanaw namin ang distansya niya mula sa amin.
Natulala na lamang ako sa tickets, pizza, at sa panulak na hawak ko. Aanhin ko ang mga 'to ngayon?
Isang mabigat na braso ang pumatong sa balikat ko. Nang lingunin ko kung kaninong braso iyon, 'yong mukhang asong ulol ang sumalubong sa akin.
"Tara!"
Nang sandaling iyon, 'di ko magawang tumanggi kay Rayhle. Iniisip ko rin na masasayang lang din ang tickets at snacks na binili ko kung magpapakipot pa ako.
Ayon, pinanood ko ang movie'ng hindi ko kailanman naisip na mapapanood ko, kasama ang taong ni minsan hindi ko rin inasahang sasamahan pala ako.
Binabalot man kami ng awkward atmosphere, naitawid naman namin pareho ang halos dalawang oras na panonood. May mga sandaling nagkakasabay at dumadaplis ang kamay namin sa pagkuha ng pizza tapos ako lang ata ang nahihiya kahit ako naman ang gumastos para do'n. Pero, ayos lang din, at least hindi nasayang ang paggastos ko.
"Uuwi ka na?" tanong ni Rayhle habang nasa daan kami papalabas ng sinehan.
Tumango ako. "Ikaw?"
"Nauuhaw ako, bili lang muna akong soft drinks diyan sa mart."
Nagsalubong ang kilay ko. "Wow, bitin pa ba 'yong master juice na inubos mo sa loob ng sinehan?"
"Bitin talaga tapos hindi naman masarap."
Napabuga ako ng hangin sabay natawa.
"Tara, libre na lang kita nang hindi ka na manumbat pa diyan." Inakbayan niya ako pero agad kong inalis ang braso niya sa balikat ko.
Binilisan ko ang bawat hakbang at inunahan ko siya sa paglalakad.
"Sandali naman." Tumawa siya. "Dapat no trolls left behind!" sigaw niya bigla sa gitna ng daan at ginaya niya pa ang boses ni King Peppy sa movieng katatapos lang namin panoorin.
Napatakip na lang ako ng mukha. Hindi ko po siya kasama.
"Jake, sandali lang nga." Inabot niya ang balikat ko at hinila papunta sa kaniya.
Hindi ako handa kaya naman madali lang para sa kaniya na mahila ako. Namilog ang mata ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng likod ko sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa pagkabigla.
Natahimik kami ng ilang segundo.
Nang hindi ko na makayanan ang kaba, muli akong lumayo sa kaniya at tumakbo papunta sa glass door ng mart. Papasok na sana ako nang bigla akong mapalingon dahil sa isang malutong na mura.
Tinulak ng isang lalaki si Rayhle dahilan para mapaupo si Rayhle sa sementong daan.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" bulyaw ng lalaki kay Rayhle. Aamba pa sana ito ng sipa nang pigilan siya ng kasama niyang babae.
Kusang tumakbo ang paa ko papunta sa nakasalampak na Rayhle. Tinulungan ko siyang tumayo at kinalma na rin. "Ano bang nangyari?"
"Kasama mo ba 'yan? Natapon 'yong ice cream ng girlfriend ko dahil sa pananadya niya-"
"Aksidente 'yon!" bulyaw pabalik ni Rayhle.
Susugod na sana sila sa isa't-isa ngunit mabuti na lang at naawat ko naman si Rayhle habang 'yong lalaki namang kasagutan niya ay niyayakap na ng kasama nitong babae para kalmahin.
"Tama na, Rayhle!" Tinulak ko siya papasok sa loob ng Mart para ilayo sa gulo. Hinarap ko naman ang lalaking nakasagutan ni Rayhle para humingi ng pasensya.
Hindi nawala ang masama niyang tingin ngunit kumpara kanina, ngayon ay naikakalma na niya ang sarili. Tinanguan ko ang lalaki bago sinundan si Rayhle sa loob.
Sa counter ko na naabutan si Rayhle. Alam kong napansin niya na ang presensya ko, hindi ko lang alam kung bakit hindi niya ako matapunan ng tingin ngayon. Nakayuko lang siya, parang asong natatakot sa amo niya.
"Ano ba talaga ang nangyari?"
"Nasagi ko 'yong kamay ng babae kaya nabitawan niya 'yong ice cream," tugon niya nang hindi inaangat ang tingin.
"Palitan mo na lang ng bagong ice cream para makabawi ka-"
"Ano sila sinuswerte, ayaw ko nga." Inabot niya ang bayad sa counter para sa soft drinks na binili niya tapos ay iniwan niya ako at tinungo ang exit. "Hintayin kita rito sa labas."
Napapikit na lamang ako sa kabiguan. Ito pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat, ang may makaaway na ibang tao. Oo nga, sabihin na natin na hindi naman talaga ako ang dapat mamroblema nito, si Rayhle dapat ang nag-iisip kung paano makahingi ng dispensa sa nakasagutan niya, pero dahil kasama niya ako, pakiramdam ko may kasalanan na rin ako.
Pagkalabas ng exit, agad kong inabot kay Rayhle ang isang ice cream na ikinangiti niya.
"Salamat-"
"Anong salamat, iabot mo 'yan do'n sa lalaki. Mag-sorry ka."
Tumagilid ang ulo niya. "Ha?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bilis." Sinamahan ko siya papunta sa magkasintahang naagrabyado niya kanina. "Excuse me po, may gusto daw sabihin itong kasama ko." Inabot ko sa babae ang ice cream na hawak ko.
Si Rayhle naman ay walang nagawa kundi iabot ang ice cream na ipinapabigay ko sa lalaki. "Sorry. Hindi ko talaga sinasadya."
Pasekreto akong napangiti. Ganiyan nga.
Hindi namin inaasahan na hihingi ng pasensya pabalik ang lalaki pero 'yon na nga ang nangyari. Nag-sorry din siya kay Rayhle sa ginagawa niyang pagtulak dito kanina.
ORAS na para umuwi. Nagpaalam na ako kay Rayhle na mauuna ako, tumango naman siya at kumaway.
Tatalikuran ko na sana siya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Sandali lang pala! Diyan ka lang. Hintayin mo ako."
BINABASA MO ANG
Shin's Suitors [COMPLETED]
Teen Fiction"Love? Ano 'yon?" tanong ni Shin, isang babaeng aromantikang may dalawang manliligaw. Posible kayang maniwala siya sa magic ng pag-ibig at mahulog sa isa sa kanila? O may isang natural na pwersang maglalapit sa dalawang pusong isa lamang ang hangar...