IX - The Truth

28 3 0
                                    

Love is recognizing the truth and opening minds

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Love is recognizing the truth and opening minds. Love understands and forgives.

"Sandali." Pumagitna si Shin sa amin. "Sa tingin ko kasi hindi na talaga patas para sa inyong dalawa, eh."

Nagkasalubong ang tingin namin ni Rayhle. Tinanguan niya ako.

Napaiwas naman agad ako ng tingin. Kinagat ko ang panloob na labi para pigilan ang gustong pagngiti nito.

"Jake, Rayhle. Sorry, I really can't fall in love with either of you. Can we just stay friends and erase the courtship thing? Seryoso, nag-c-cringe lang sa mga sweet act niyo."

Natawa ako. "Ayos lang, Shin. Alam kong sinubukan mo."

"Naiintindihan ko rin, Shin. You already gave us chances that were more than enough. "

"So, Friends?"

Tumango ako.

"Friends," sabay naming sabi ni Rayhle.

Tapos ay nagtawanan kaming tatlo na siyang sandali rin nang pagpasok ni Tita Rhea sa bukas na pintuan.

Naupo si Tita sa sofa. "Pasensya na mga anak. 'Di ba kayo nainip sa kahihintay?"

"Ay naku, hindi po. Ayos lang ho, Tita." Ngumiti si Shin at saka umupo sa harap niya.

"Game na ako for the interview, start na ba tayo?"

"Ay sandali lang po. Kuha lang kami ng notebook para kung sakaling may i-n-notes kami," pigil ko sa kanila. Kinalabit ko si Rayhle para samahan akong kunin ang mga notebook namin na nasa kwarto niya. "Nasa kama mo 'yong mga notebook natin."

SA UNA'Y maayos naman ang daloy ng interview. 'Yong tipong kahit tahimik pa rin si Rayhle ay wala namang madilim na aurang pumapaligid sa atmosphere namin. Wala nga pala si Tito dahil ito raw ang naiwan sa pastolan para makipagtransaksyon sa mga negosyante.

"To tell you honestly, seven years old pa lang ako nang sabihin ko sa mga magulang ko – sa lolo't lola ni Rayhle na nagkamali si God ng katawang pinaglagyan sa akin. Ayon, sampal ang natanggap ng Tita niyo. Unico-ijo kasi ako at may pangarap sila sa akin bilang nag-iisang anak na lalaki. To please them, sinubukan ko ring magpakalalaki. Naglaro ako ng baril-barilan, nag-basketball, naranasan ko rin makipagsuntukan kahit hindi naman ako ang kaaway. Pagtuntong kong high school naghanap agad ako ng babaeng pwedeng ligawan, there, I found Leslie-"

"You're saying, high school sweet hearts kayo ni Mama?" putol ni Rayhle sa pagkukwento ng papa niya.

Tumango si Tita Rhea. "Yes. Niligawan ko ang mama mo kahit na first year pa lang kami."

"Naging kayo po ba?" nasasabik na tanong ni Shin.

"Naging kami nang graduation na namin."

"Ano!" sigaw ni Rayhle sa kasabikan na umalingawngaw sa buong bahay.

Shin's Suitors [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon