His Voice (1)

182 8 0
                                    

Jane

Masarap sa pakiramdam na ikaw kang mag isa tapos ang sariwa pa ng hangin. Napangiti ako, nasa park kasi ako ngayon at ang aso ko lang ang kasama ko pero natutulog ata sya kasi nakahiga lang sya sa may lap ko. Pinakiramdaman ko ang paligid, tahimik lang. Nasa kabilang part kasi ng park ang mga batang naglalaro. Nakasandal lang ako sa isang puno dito. Mag iisang taon na akong bulag at tanging aso ko lang guide ko kapag lumalabas ako ng bahay. Mag iisang taon naring wala ang kapatid ko. Kung ako nalang sana yun.

Bigla ko nalang naramdaman ang tubig na pumapatak sa balat ko. Kumakahol narin ang aso ko, umuulan na pala. Agad naman akong tumayo at hinawakan ang tali nya. Aalis na sana kami pero bigla namang tumigil yung ulan. Teka ang bilis naman nun. Hindi parin tumigil sa pagkahol si tootsie, ang aso ko. Tsaka ko lang narealise na may katabi pala akong tao kasi may naaamoy na akong pabango "Sino ka?" Tanong ko "Mamaya ka na umuwi kapag humina na ang ulan, sumilong ka muna sa payong ko" sabe nya sakin. Ganda ng sagot eh no pero sino ba talaga to?

Chad

I saw her again, yung babaeng lageng nakaupo sa ilalim ng puno sa park. Lage nyang dala ang aso nya, I guess bulag sya. Ang ganda nya pa naman. Lage ko lang syang tinitignan kasi alam ko namang di nya ako mapapansin dahil nga bulag sya. Creepy ba? Matagal ko na syang pinagmamasadan, ang dami ko na ngang drawing na nagawa eh at sya ang ginuguhit ko. Napakatahimik nya kasing babae. What would I expect? Eh bulag nga sya diba?

I was in the middle of my drawing nang biglang umulan. Kinuha ko agad ang payong ko at tumakbo papalapit sa kanya. Mahihirapan syang umuwi kapag ganito dahil wala syang payong. Baka magkasakit pa sya. Bakit napaka concern ko? Di pa ba obvious na may gusto ako sa kanya? Nahihiya lang akong lumapit baka kasi di nya ako pansinin.

"Sino ka?" she asked pero iba naman ang sinagot ko "Mamamaya ka na umuwi kapag humina na ang ulan, sumilong ka muna sa payong ko" sabe ko sa kanya. Mukhang nagtataka na talaga sya kung sino ako "Im Chad by the way, you are?" nilahad ko ang kamay ko para makipag shakehands "Jane" simpleng sagot nya pero di sya nakipag shakehands. Tanga lang Chad? Di nga sya nakakakita eh. Binaba ko nalang yung kamay ko. Tumahimik narin ang aso nya kasi naging close kami agad, galing haha. Habang naghihintay kaming tumila ang ulan, nabalot din kami ng katahimikan.

"Madalas ka dito no?" tanong ko, ano bang klaseng tanong yan Chad? "Oo, kapag gusto kong mapag isa. Bulag na nga ako, lage pa akong nasa bahay. Gusto ko rin namang makalabas kahit papaano" sagot nya. Ang cute ng boses nya. Nakatitig lang ako sa kanya pero bigla syang yumuko "Feeling ko nakatitig ka, wag di ako komportable" galing naman nito, iniwas ko agad yung tingin ko. Nag isip din ako ng iba pang itatanong "Uhm anong pangalan ng aso mo?" tanong ko "Tootsie" ngumiti sya pati yung aso lumapit sakin "Sya ang guide ko aka my best friend" dagdag pa nya. Mas lalo syang gumaganda kapag nakangiti. Napakabading mang sabihin pero kinikilig ako "Pwede bang ako rin maging best friend mo?" mukha naman syang nagulat. Masyado ba akong mabilis? "Ngayong pa nga lang tayo nagkakilala eh tsaka di ko alam kung mapapagkatiwalaan ba kita" she has a point, ngayon nga lang kami nakapag usap ng ganito "Kilalanin mo ako, kikilalanin din kita tsaka wag kang mag alala, mapagkakatiwalaan ako. Sana di nalang kita pinayungan at hinayaan nalang kitang mabasa ng ulan kung di ako mapapagkatiwalaan diba?" sabe ko. Bahagya syang ngumiti, bigla namang tumigil ang ulan "Tumila na ang ulan, ihahatid na kita" offer ko. Nakikita ko sa mukha nyang nagdadalawang isip sya "Ah sige, tutal mas gusto pa kitang makilala" she smiled "Wala ka namang balak na masama diba?" dagdag nya "Wala no, mabait akong tao. Promise" pag depensa ko. Babae nga naman sya at kakakilala nya lang sakin kaya madaming tumatakbo sa isip nya tsaka isa pa di sya nakakakita.

-

"Dito na ba yung inyo?" tanong ko kasi biglang tumigil ang aso nya sa isang di gaanong kalakakihan na bahay. Tumango sya tsaka hinawakan yung gate, para bang pinapakiramdaman? "Nilagyan ni mama ng palatandaan ang gate kaya alam kong amin na to tsaka si tootsie alam nya syempre" sabe nya sakin. Napa 'ahh' nalang ako "Salamat ha?" lumaki ang ngiti sa labi ko "Wala yun, so kita ulet tayo bukas? Sunduin kita dito by 4pm, picinic tayo" nasabe ko yun? Di na ako torpe? Well niyaya ko lang naman syang mga picnic eh, di ko naman inaming may gusto ako sa kanya "Okay" simpleng sagot nya. Yes! Galing ko "Jane? Andito ka na pala" sinalubong sya ng mama nya tsaka nya ako napansin kaya binati ko sya "Magandang hapon po, hinatid ko lang si Jane kasi umuulan po kanina at wala syang payong. Sana di nyo masamain?" tumawa sya ng mahina "Ayos lang iho, nakikita ko namang wala kang masamang intensyon sa anak ko. Salamat sa paghatid sa kanya, bakit di ka muna magkape sa loob?" sumang ayon naman ni Jane "Ah hindi na po, baka kasi hinahanap narin ako sa amin eh" pag tanggi ko, tumango nalang ito pero bago ako umalis tinawag ko ulet ang mama ni Jane "Pwede po bang mag picnic kami ni Jane bukas sa park?" pagpapaalam ko "Oo naman, basta iingatan mo sya" grabe ang bait ng mama nya "Opo, sige po bye! Bye Jane!" paalam ko tsaka tumakbo paalis habang nagtatatalon sa tuwa. Hala? Baliw lang? Masaya lang ako.

Jane

Mukha atang sila pa ni mama ang unang naging close. Nakakatuwa si Chad at magaan ang loob ko sa kanya. Kahit na ang dami kong iniisip na masama "Buti naman at nagkaroon ka na ng kaibigan. Gusto ko sya ha, magaan ang loob ko sa kanya. Gwapo pa naman sya" sabe ni mama "Mama naman" tumawa ako "Alam mo, gusto kong sumaya ka ulet at ito na yung umpisa. Alam kong mapapasaya ka ni Chad. Ramdam ko" hinawakan ni mama ang kamay ko. Ngumiti nalang ako.

His Voice [✔️] OSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon