Jane
Di ako makapaniwalang iisa lang sila. Yung kanta nya, yun yung kantang narinig ko dati. Pati yung boses nya, hinding hindi ko yun makakalimutan.
Kumahol si tootsie na ikinagulat ko "Jane" yung boses na yun. Andito si Chad "Bakit ka nandito?" Tanong ko "Jane alam mo ba?" Kumunot ang noo ko "Yung mga pictures, alam mo bang ako yun?" Nagulat ako sa sinabe nya. Nakita nya yung mga picture? Nako, baka magalit sya sakin. Para kasi akong stalker nya dati. Nakakahiya "Uh ano kasi" kinakabahan kong sabe "So crush mo pala ako?" Medyo masyang sabe nya. May biglang humawak sa kamay ko, syempre sya yun "So pareho pala tayo? I like you Jane" nilagay nya ang kamay ko sa dibdib nya "Ikaw ang tinitibok nito, Jane. Ramdam mo ba? Matagal na akong may gusto sayo masyado lang akong torpe. Jane, I really really like you" ewan pero ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Nabigla ako at the same time kinikilig? First time kasing may umamin sakin ng ganito. Hinawakan ko ang pisngi nya, pinakiramdaman ko ang mukha nya. Ang mga mata, ilong at ang labi nya. Ngumiti ako pero bumitaw ako agad at nalungkot "Di tayo bagay, Chad. I'm blind" sabe ko. Inangat nya ang ulo ko "I dont care, kaya kita nagustuhan dahil sa ugali mo. Kahit bulag ka wala akong pake, importante ka sakin" sabe nya. Bumalik ang ngiti sa labi ko tsaka sya niyakap "I like you too"Chad
Kinakantahan ko si Jane, nakahiga sya sa lap ko. Nasa park din kami ngayon, nag picnic ulet kami. Gusto nyang makatulog kaya kinakantahan ko sya. Nakatulog din naman sya. Sa araw araw na lage ko syang nakakasama, mas lalo ko syang nagugustuhan. Mahal ko na pala. I love her so much. I smiled habang hinahawi ang buhok nya "Ang ganda ganda mo, Jane" sabe ko. Medyo napangiti sya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi pero nagulat nalang ako nang bigla nyang nilapit ang lips nya sakin kaya ito, nahalikan ko ang labi nya. Ngumiti sya, ako rin. I kissed her forehead "I love you" sabe ko "I love you too" sagot nya.