His Voice (2)

110 7 1
                                    

Jane

Naghahanda na ako kasi susunduin ako ni Chad. First time kong makapag picnic na dalawa lang kaming tao, mas sanay kasi ako na marami eh pero dati yun nung nabubuhay pa sila papa at Jason, ang kapatid ko "Jane, nagprepare narin ako ng pagkain para sa picnic nyo" biglang sabe ni mama "Thank you po" kinuha ko ang tali ni tootsie tsaka kami bumaba sa papuntang sala.

*ding dong* nandyan na ata si Chad "Iho, ingatan mo si Jane ha? Sya nalang ang meron ako" sabe ni mama sa kanya "Mama magpipicnic lang po kami, di po date" sabe ko "Sya kaya ang unang lalakeng dinala mo sa bahay tsaka ngayon ko lang napansin kahawig nya yung crush mo" nagulat naman ako sa sinabe ni mama. Di kaya?

"Wag po kayong mag alala, akong bahala kay Jane. Iuuwi ko po sya before 7" rinig kong sabe ni Chad.

Pagdating namin sa park, pinaupo nya ako sa sapin at hinanda nya yung mga pagkain "Mukhang masarap ang mga hinanda ng mama mo ah" masayang sabe nya. Inabutan nya ako ng sandwich at nagsimula na kaming kumain. Medyo tahimik at medyo awkward "Gusto mo akong makilala diba?" biglang tanong nya. Oo nga pala, andito kami para mas makilala pa yung isa't isa "Sige" sabe ko "Chad Madrigal ang buong pangalan ko, yung bahay namin nasa kabilang subdivision lang. Mahilig akong mag drawing at kumanta. Pinagsasabay ko yun kapag nandito ako sa park, tahimik kasi eh. Last year lang kita nakita na dito, actually tambayan ko ang tambayan mo pero hinayaan nalang kita. Simula nun, lageng ikaw na ang subject sa mga drawing ko" nakakatuwa syang pakinggan pero teka tambayan nya palaya yun, di ko alam "Sorry nawalan ka ng tambayan dahil sakin, di ko kasi alam eh" sabe ko. Tumawa naman sya "Nako okay lang" teka subject nya rin ako sa mga drawing nya? Sayang di ko makikita "Ikaw naman" huminga ako ng malalim tsaka nagsalita.

Chad

"Jane Kristina Trinidad ang buo kong pangalan, syempre alam mo na kung san ako nakatira. Mahilig akong kumuha ng litrato pero dati yun. Ngayon naman, tambay nalang ako sa bahay at park. Yun nalang talaga ang nagagawa ko since nawala ng paningin ko" naging malungkot sya sa mga huli nyang sinabe "Pwede ko bang itanong kung bakit nabulag ka?" tanong ko "A year ago, I was driving our car pauwi na sana galing school. Sinundo ko kasi yung kapatid ko bale kaming dalawa ang sakay ng kotse" nagsimula na syang umiyak kaya nagpanic na ako "Teka, wag mo nalnag ituloy ayaw kong umiyak ka" kumuha ako ng tissue at pinunas ko sa mga luha nya "Pero bigla nalang nawalan ng break yung sasakyan kaya tumama kami sa isang poste. Napunta lahat ng bubog sa mata ko. At first nanlalabo pa ang mga mata ko kaya nakita ko pa yung kapatid ko na duguan. Sya ang napuruhan" dagdag nya habang umiiyak parin. Nako kaslanan ko to eh, dapat di nalang ako nagtanong "Wag mo nalang ituloy. Sorry" sabe ko ulet "Sana ako nalang eh! Sana ako nalang yung namatay!" sigaw nya kaya niyakap ko sya. Eh sa hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya niyakap ko nalang sya tsaka pinakalma "Shh wag mong sabihin yan" sabe ko sa kanya. Medyo tumagal din ng 2 minutes ang pagkakayakap ko sa kanya kaya bumitaw nako kasi tumigil narin sya "Sorry" sabay naming sabe "Sorry kasi umiyak ako, oa ko ba?" Umiling ako "Ako dapat mag sorry kasi tinanong ko pa yun tsaka nayakap din kita di ko kasi alam kung anong gagawin eh" napakamot ako ng ulo "Ngayon alam mo na. Kapag kinakabahan, nagagalit or umiiyak ako yakap lang ang nagpapakalma sakin" yumuko ako at lihim na napangiti. So mayayakap ko pa pala sya? Galitin ko kaya? Hehe joke lang. Ano ba Chad! Umayos ka nga!

His Voice [✔️] OSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon