Jane
Nagdidinner kami sa bahay ngayon. Tanggap ni mama ang relasyon namin kasi malaki talaga ang tiwala nya kay Chad. Masaya naman ako dun. Ngayon lang ulet ako naging masaya matapos nung nangyari samin ng kapatid ko dati.
After ng dinner, dinala ako ni Chad sa bahay nila para ipakilala sa parents nya. Akala ko huhusgahan nila ako dahil sa bulag ako pero hindi, puro compliments ang natatanggap ko sa kanila. Ang dami pa nilang kinikwento tungkol kay Chad na ikinatuwa ko naman. Kaya pala mabait si Chad, nag mana sya sa parents nya.
Hindi kami masyadong nagpagabi kaya hinatid nya na ako pauwi. Before ako pumasok ng bahay hinila nya ako ulet tsaka niyakap. Napangiti ako sa ginawa nya "Jane, magpa opera ka na" kumalas ako bigla sa yakap nya "Jane please, para rin to sayo. Gusto kong makita mo ulet ang mundo" ewan pero parang di ako natuwa. Bumalik sakin lahat ng nangyari dati "No, its my fault. Bagay lang sakin to" sabe ko. He held may hands "Jane, it was an accident. Wala kang kasalanan" bumitaw ako tsaka umiyak "No! Sabe mo wala kang pake kahit bulag ako? Di mo ata ako mahal eh! Bagay sakin to dahil di ko na protektahan ang kapatid ko!" Sigaw ko sa kanya "Jane?! Chad anong nangyari?" Labas si mama tsaka ako niyakap "Jane, its for you. Ang gusto ko lang makakita ka ulet. Ayaw kong nahihirapan ka" sabe ni Chad "No!" Sigaw ko ulet habang nakayakap parin kay mama "Ako ng kakausap sa kanya. Umuwi ka na Chad" rinig kong sabe ni mama.
"Anak, tama sya. Please naman Jane, gusto kong sumaya ka na ulet kasi masakit na eh. Sobrang sakit na makita kang ganyan. Wala kang kasalanan. Hindi kita sinisisi. Oo masakit dahil nawala si Jason pero nagpapasalamat parin ako at iniwan ka pa sakin. Ikaw nalang ang meron ako at gagawin ko lahat para lang sumaya ka Jane. Kung nabubuhay pa ang papa mo at ang kapatid mo, papagalitan karin nila. Anak, mahal na mahal kita. Please naman, yun lang ang hiling ko at ni Chad. Gusto kong mabalik ang dating ikaw" umiiyak na si mama. Napayuko ako sa mga sinabe nya. Papa? Jason? Tama naman si mama diba? Ano bang nangyayari sakin?
Chad
Binigyan ko muna sya ng space. Ilang araw na kaming di nagkikita. Miss na miss ko na sya. Mahal ko sya kahit bulag sya, ang gusto ko lang makita nya ulet ang mundo. Mabalik ang dating Jane na masayahin. Yung Jane na nahuli kong kinukuhaan ako ng picture. Yung Jane na nakita kong sobrang saya sa mga picture. Yung Jane na mahilig kumuha ng litrato. Gusto ko syang sumaya ulet. As her boyfriend its my job na pasayahin sya at iparamdam sa kanya na masayang mabuhay sa mundo.
Napaluha ako habang iniisip sya. Kung anong desisyon ng mahal ko, susundin ko nalang siguro.
*ring! ring!* 'Tita Calling'
"Tita?.. Anong nangyari kay Jane?.. Po?!"