CHS#38

646 28 10
                                    


Date

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Iritang tanong ko nang kaladkarin niya ako papasok sa isang green house. Alam kong hindi pa kami nakakalayo do'n sa reception kung saan ginaganap ang party dahil hindi naman kami sumakay ng kotse at sa likod kami dumaan.

Nagulat nga ako kung bakit may alam siyang lugar na ganito dito at kung bakit malaya siyang nakakapasok dito.

Maliwanag ang bahay at tanging ito lang ang may ilaw pero hindi ko na makita iyong ginaganapan ng party lalo pa at iyong dinaanan namin ay wala namang ilaw. Nakakapagtaka lang kung bakit nakakakita siya sa madilim e ako nga ay hirap na hirap mangapa sa dilim.

Sa loob ng green house ay may isang sofa set, isang center table at sa harap no'n ay malaking flat tv, may dalawang pintuan na ang hinuha ko ay kwarto at walang hagdan, sa isang gilid naman ay may daanan na walang pinto at tingin ko ay iyon na ang kusina.

Naguguluhang tumingin ako sa kaniya nang umupo siya sa sofa at pumikit habang ako ay nakatayo lang at napapantastikuhang nakatingin sa kaniya. Ano 'yon? Dinala ako dito tapos tutulugan?

Naiinis akong pumunta sa harapan niya at namewang. "Seriously? You dragged me here tapos tutulugan mo ako? Ibalik mo na ako do'n puwede?" He slightly opened his eyes and his charcoal orbs immediately darted on me that made me gasp.

"I want you." He whispered. My jaw almost fell because of what he just said.  Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon kaya nag init ang mukha ko.

Paanong sa salita pa lang niya ay nakakaramdam na ako ng kakaiba?

May Clarisse na siya Elenita!

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ibalik mo na ako dahil hindi na mauulit kung ano man ang nangyari sa'tin do'n sa farm niyo, Ynovv." Tinitigan niya ako ng mariin bago sumilay ang kakaibang ngisi sa kaniyang labi.

Umayos siya ng upo at ipinatong ang dalawang siko niya sa hita niyang nakabuka. I gulped, bakit ang guwapo niyang tignan? Goodness!

Hindi ko namalayang nakasunod na pala ako sa lahat ng galaw niya kaya nang makitang nakatitig siya sa'kin at may ngisi sa labi ay agad akong nag iwas ng tingin at hindi naman mag kamayaw ang puso ko sa bilis ng tibok no'n.

"I'll make you want me, Lucianna." His voice was husky.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at halos malagutan ako ng hininga nang makitang nag tatanggal na siya ng polo habang nakatingala at hindi inaalis ang tingin sa'kin. Napaatras ako at sinulyapan ang pintuan para sana tumakbo pero bago ko pa magawa iyon ay agad niyang hinablot ang braso ko at  walang pakundangang ibinagsak sa hita niya.

"Y-ynovv!" I almost suck my breath when I felt a familiar sensation in my stomach. I can feel his bulging groin that was pressed against my butt.

"I miss you baby." He whispered while wrapping his arms around my waist.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at saglit na natigilan bago pinakiramdaman ang sarili. Aaminin kong namiss ko din siya pero hindi ko iyon sasabihin sa kaniya.

Ipinilig ko ang ulo ko at buong lakas na nag pumiglas pero lalo lang humigpit ang pag kakayapos ng mga braso niya sa'kin.

"Ynovv ano ba! Hindi na tama 'to!" I hissed in annoyance pero kabaliktaran naman ang isinisigaw ng katawan ko.

Napatigil ako sa pag pupumiglas at nahigit ko ang hininga ko nang isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at pinatakan iyon ng marahang halik. Pakiramdam ko ay may kumikiliti sa puso ko at parang sinilaban ng apoy ang katawan ko.

"I'm sorry.. I'm sorry for dragging you here just because I missed you so much that my mind and body couldn't function whenever you're not beside me. I couldn't function without you anymore." I was just staring at the door while he was saying those words with his low and soft voice.

Casa Hacienda (Series 1: Ynovv Costarrez)Where stories live. Discover now