Epilogue#1

722 23 0
                                    

I slowly open my eyes and blink several times to adjust my sight. The white ceiling and the familiar smell of the hospital greeted me.

Marahan akong lumunok dahil pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway.

"Gising kana," I unconsciously roamed my eyes to find where that voice came from. And there she is, sitting comfortably on the sofa.

"Where are my babies?" Tanong ko kay Gab. Humikab ito at lumapit sa'kin saka ako inabutan ng tubig.

Umupo ako at ininom ang tubig.

"Nasa nursery room, gusto mo bang puntahan?" Tanong niya at may pinindot sa tabi ko.

Marahan akong tumango ngunit natigilan ako nang may maalala.

"G-gab, buhay si Ynovv. N-narinig ko kanina 'yong boses niya." Wala sa sarili kong nasabi.

Her forehead knotted and look at me with confusion.

"Anong sinasabi mo? Matagal ng patay ang asawa mo, Eleni." Malungkot ang tono nito.

Umili iling ako at hinawakan ang kamay niya. "Hindi! Totoong nando'n siya no'ng nanganganak ako, may sinabi pa nga siya sa'kin e. Hindi ko lang matandaan, pero sigurado akong nando'n siya. " Nag simulang mag init ang sulok ng mga mata ko. Sigurado akong nando'n siya, dahil do'n ay bumalik ang pag asa kong buhay pa siya.

Hindi ako pwedeng mag kamali.

"El, kumalma ka. Pagod ka lang siguro." Aniya at tumalikod saka may kinuhang wheelchair sa tabi ng pintuan.

"Gab, hindi ako pwedeng mag kamali. Nasa'n sila mama? Ang mga kapatid ni Ynovv? Kakausapin ko sila, baka- baka hindi siya 'yong--"

"Makinig ka, Elenice. Wala na Ang asawa mo, akala ko ba natanggap mo na?" Mahinahon nitong sinabi.

Muli akong umiling at pinunasan ang mga luha ko.

Imposibleng guni guni ko lang iyon o dahil lang sa pagod. Naramdaman ko ang presensya niya.

Gusto ko pa sanang umangal pero inalalayan niya na ako at pinaupo sa wheelchair.

"Mabuti pa dalhin na kita sa mga anak mo." Aniya at tinulak ang wheelchair.

Natulala ako. Halusinasyon ko lang ba 'yon? Hindi ba totoo 'yon?

Siguro nga.. Akala ko tanggap ko ng wala siya.

Binuksan ni Gab ang pintuan at niliko ang wheelchair sa kanan.

"Nasa'n ang mga bata, Gab?" Tanong ko nang maalala ang mga anak ni Gab na nag aalala no'ng umalis kami.

"Papunta na sila dito." Aniya.

Napangiti ako. Kumpleto na sila, samantalang ako ay nasa nakaraan pa rin.

Hininto ni Gab ang Wheelchair sa tapat ng nursery room kung nasa'n ang mga anak ko.

Tinignan ko ang malaking glass wall nito at nag taka pa ako nang makitang nakasara ang kulay berdeng kurtina nito.

"Teka buksan ko," Sabi ni Gab at pinit ang doorknob ngunit hindi niya 'yon mabuksan.

"Bakit naka lock?" Aniya at sinubukan ulit na pihitin ang pinto.

"Baka naman nilipat ang mga bata sa ibang nursery room." Mahinahon kong sinabi.

"Tatanungin ko lang 'yong nurse na nag babantay dito." Aniya at umalis na.

Napabuntong hininga ako at ngumiti. Gusto ko ng makita at mahawakan ang mga anak ko. Siguradong kamukha nila ang papa nila.

Yvros And Yvonne, our twins.

Casa Hacienda (Series 1: Ynovv Costarrez)Where stories live. Discover now