CHS#41

690 31 7
                                    


Pakwan

Warning! Gabay ng malikot na utak ang kailangan. Tamo 'to excited nanaman :> anyway baka scam ulit 'to kaya h'wag kang umasang ikaw pa rin ang mahal niya mwapss😙

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Ayaw mabura sa isip ko iyong mga pang yayari kahapon kaya halos hindi ko na namalayang nandito na pala si ate Shane.

Hindi ko na lang ipinahalata sa kanila at hindi ko na rin sinabi ang tungkol sa nangyari no'ng kahapon.

Masyado kong inisip ang mga pang yayaring iyon kaya minsan ay nawawala ako sa sarili ko.

I sigh and tried to make myself busy. Bumangon ako sa kama at napatingin ako sa cellphone ni Ynovv na muntik ko ng nakalimutan.

Kinuha ko iyon at pinakatitigan ng mabuti. Pinower off ko nga pala iyong cellphone at natatakot akong buksan ulit dahil baka may mabasa nanaman ako ikasasakit ng puso kong nananahimik na.

Nilapag ko ulit iyon at nahigang muli sa kama. Habang nakatitig sa kisame at napaisip ako kung nag aalala ba siya sa'kin? iniisip niya kaya ako? Alam ba niya kung nasaan ako? Gusto niya ba akong makita?

Pero lahat ng nga tanong na iyan sa isip ko ay hindi masasagot at lalong hindi mangyayari. Maybe he already realized that he doesn't really want and need me, that I'm just his woman to satsfy his needs since clarisse told me that she's not ready to do that thing yet kaya naisip kong isa lang akong babaeng pag lalabasan niya ng init ng katawan pag katapos ay babalik na siya sa totoong nag mamay ari sa kaniya.

Kaya napaka imposibleng hahanapin niya ako lalo pa at mag iisang buwan na. He's that kind of person, he doesn't care about what other people's feelings. He doesn't mind kahit may masaktan siyang damdamin ng isang tao ang mahalaga lang sa kaniya ay ang sarili niyang kasiyahan.

"ELENICE FALCON!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na sigaw na iyon na nanggaling sa labas ng kuwarto ko.

Istorbo talaga ang alibangbang na 'to!

Naiiritang nag tungo ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Sumalubong naman agad sa'kin ang lukot na mukha ni Dion.

"Ano? Makasigaw ka naman para kang ano!" He looked at me flatly.

"Paanong hindi ako sisigaw, e kanina pa ako kumakatok!" Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong narinig kanina.

" Wala akong narinig." Siya naman ngayon ang nangunot ang noo.

" Anong wala? Halos gibain ko na nga 'tong kuwarto mo e. Ano bang ginagawa mo kanina?" Takhang tanong niya at sumilip pa sa loob ng kuwarto ko. Niluwagan ko naman iyon at sinensyasang pumasok.

Naupo ako sa kama habang siya naman ay nakakunot ang noong tumingin sa'kin bago dumako ang tingin niya sa bedside table kung nasaan ang cellphone ni Ynovv.

Nakaramdam ako ng kaba pero ipinah sawalang bahala ko iyon at humilata na lang sa kama.

" Wala talaga akong narinig, s-saka ano nasa banyo ako. " Mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nag sinungaling, basta iyon lang ang lumabas sa bibig ko dahil ayaw kong sabihin niya nawawala nanaman ako sa sarili kahit totoo naman.

" Bakit na sa'yo 'to? " Takang tanong niya habang ang tingin ay nasa cellphone pa rin na nasa bedside table. Napalunok ako at sinulyapan siya.

"A-ano palang kailangan mo?" Pag iiba ko ng usapan, baka kasi kung saan mapunta ang tanong niya.

Tumingin siya sa'kin at nag pamulsa. "Wanna come with us? May nag imbita kay ate Shane at gusto niyang sumama tayo."

Napanguso ako dahil tinatamad akong pumunta sa kung saan. Mukhang napansin naman niya iyon at sinulyapan pa ang tiyan ko.

Casa Hacienda (Series 1: Ynovv Costarrez)Where stories live. Discover now