CHS#3

712 30 0
                                    

Galit

'Elenita Mi Amore. Kapag ang Costarrez naakit, batang Costarrez ang kapalit.'

'Elenita Mi Amore. Kapag ang Costarrez naakit, batang Costarrez ang kapalit.'

arghh! bakit ba hindi ka maalis sa isip ko?! Anong ibig mong sabihin Señorito?

Nayayamot kong inayos ang hose at binuksan ang gripo upang simulan na naman ang pag didilig.

"Ang gaganda niyo parin, sino kayang nag aalaga sa inyo?" nangigiti kong pinakatitigan ang mga bulaklak at hinahawakan paminsan minsan.

'Elenita Mi Amore. Kapag ang Costarrez naakit, batang Costarrez ang kapalit.'

Ano ba!!

"Hey beautiful"

"Ay batang Costarrez!"

Napahak ako sa aking dibdib dahil sa gulat at dagliang tumingin sa aking likod kung saan do'n nang galing ang baritonong boses na iyon.

Si Señorito Primo pala. Akala ko si Señorito kabote nanaman.

"S-señorito Primo, ano ho'ng kailangan niyo?" Nahihiya kong tanong. Ngumiti lang ito sakin at tinignan ang likod ko, marahil ay gusto ring tignan ang mga nag gagandahang bulaklak.

"Nothin', i was just wandering around then I saw you talking to the flowers." tinignan ako nito at nginitian, umiwas ako ng tingin dahil sa ilang. Sa hitsura niya ay masasabi kong mabait at mukhang pala kaibihan siya, parati rin itong nakangiti hindi gaya ni Señorito kabote.

ha? Bakit nasali na naman si Señorito kabote?

"Auhm.. g-gano'n ho ba, Señorito?" Napakagat ako sa'king labi at yumuko dahil sa kawalan ng isasagot.

"Am I making you uncomfortable Elenita?" Agad akong nag taas ng tingin sa kaniyan at makailang ulit na umiling.

"H-hindi ho, Señorito."

"Okay if you say so, and please cut the Señorito. Just Primo." ngumiti itong muli habang ako naman ay nakatingin sa kaniya ng hindi makapaniwala.

"H-hindi ho pwede, Señorito."

"Why not?" kunot noong tanong nya.

"Basta hindi ho pwede, Señorito." napailing iling siya habang nag pipigil ng tawa.

"Magagalit ako pag tinawag mo pa akong Señorito." matunog itong ngumisi na animoy nag bibiro lang bagaman kinabahan parin ako.

Hindi nalang ako nag salita at pinagpatuloy nalang ang pag didilig.

"You look like my tito, i mean you two have the same eye color and nose." mula sa pag didilig ay nabaling ulit sa kaniya ang aking paningin dahil sa kaniyang sinabi.

"Ano ho'ng ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at inilabas ang mamahalin niyang Cellphone, may ginawa pa siya do'n at iniharap sakin iyon pag katapos.

Bahagyang napaawang ang aking labi nang makita ang litrato ng hindi katandahang lalaki, matipuno ang kaniyang katawan at seryoso ang kaniyang mukha bagan may lungkot paring makikita sa kaniyang mga mata.

Totoo rin ang kanyang sinabi, parehong pareho kami ng hugis at kulay ng mata maging ang mahahabang pilik mata, maging ang ilong ngunit sa kanya ay medyo mas malaki. Hindi ko alam kung may konti kaming pag kakahawig o sadyang namamalikmata lang ako? Baka nag ka taon lang.

"Gusto mo kwentuhan kita?" Napatingin ulit ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit napatango nalang ako bigla.

"Mahigit labing siyam na taon na Ang nakalilipas, may dalawang magkasintahan na sobrang mahal ang isa't isa, ni hindi na sila mapag hiwalay ngunit sa kasamaang palad, the man was bound to marry the daughter of his father's business partner. But the man named Perseus refused because he loves his girlfriend, nagplano siyang itanan ang kanyang kasintahan pero hindi niya na ito naabutan dahil sumama na pala ito sa ibang lalake. May iniwan itong sulat na nag sasabing sumama siya sa ibang lalake at nagdadalang tao siya at ang pangalan ng babaeng iyon ay He--"

Casa Hacienda (Series 1: Ynovv Costarrez)Where stories live. Discover now