CHS#46

582 24 2
                                    

Miserable. 'Yan lang ang tanging alam ko, miserable ang buhay ko ngayon.

I sobbed silently as my tears kept on falling down upon my dump cheeks.

I can't accept that I lost him. Hindi ko kayang tanggapin na nasa morgue na siya at iniembalsamo.

Ilang beses na nila akong pinilit na hagkan ang mukha niya sa huling pag kakataon pero hindi ko magawa dahil hindi ko kayang makitang nakahilata ang lalaking mahal ko sa morgue.

I couldn't move my feet, gusto ko siyang puntahan pero natatakot ako.

Natatakot akong mawala na lang bigla ang mga pinanghahawakan kong buhay pa siya. Pinanghahawakan ko ang mga sinabi niya, na babalik siya sa'kin, na mag papakasal pa kami, na mahal niya ako at hindi niya ako iiwan.

Kanina pa dumating ang pamilya niya pero hindi ko sila magawang harapin dahil sa takot na sa'kin nila isisi ang lahat ng ito, kung bakit wala na siya. It was undeniably my fault. Kung hindi niya kami niligtas ng mga bata, sana ay buhay pa siya.

"Y-ynovv naman e.." I whispered weakly.

Niyakap ko ang mga tuhod ko kahit nahihirapan dahil sa laki ng tiyan ko. Nakahiga ako sa hospital bed dahil nawalan ako ng malay kanina. Hindi ko nakayanan 'yong sakit no'ng ideklara ng doctor na patay na siya.

"Anak, hindi mo ba talaga sisilipin muna si Ynovv?" Marahang tanong ni mama. Maging ang tono niya ay mahihimigan ng kalungkutan.

Napapikit ako nang walang habas na tumulo ang mga luha ko nang binanggit ni mama ang pangalan niya.

"H-hindi ko po kaya, ma.." mahinang sagot ko na parang naging bulong na dahil sa hina ng boses ko.

Hindi na muling nag salita si mama hanggang sa narinig ko ang pag bukas at sara ng pintuan. Hindi ko alam kung umalis ba si mama o may pumasok, hindi ko makita dahil nakatalikod ako sa pinto.

"Hija.." marahang tawag ng pamilyar na boses. Hindi ako lumingon at nanatiling nakatitig lang sa kawalan.

"Iwan ko muna kayo." Narinig kong paalam ni mama. Nag pasalamat naman si Aunt Larra at naramdaman ko na lang ang pag lubog ng kama sa tabi ko.

Hudyat na may upo do'n.

"Hija, kumain kana ba? Baka mapa'no ang mga bata." Marahang tanong niya. Maingat ang bawat salita at mukhang iniiwasan niyang masaktan ako.

" H-hindi po kayo galit s-sa'kin? " Mahinang tanong ko at hindi sinagot ang tanong niya.

Hindi ako humarap pero narinig ko ang pag hinga niya ng marahan. " Iyan ba ang dahil kung bakit ayaw mong puntahan siya sa morgue? " Tukoy nito kay Ynovv. " Sa tingin mo ba ay magagalit kami sayo dahil niligtas ka niya at ang mga anak niyo? Hija, kahit sinong lalaki gagawin iyon para sa pamilya niya. Wala kaming ibang sisisihin kung hindi ang mga Averas. " Sagot nito sa marahang paraan.

Lalong nag init ang sulok ng mata ko sa sagot niya. Kumikirot ang puso ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay durog na durog ako.

May parte sa'kin na guminhawa ang loob dahil sa kaalamang hindi sila galit sa'kin.

Hinawakan ko ang puso kong pakiramdam ko ay wala ng buhay at dahan dahang umupo. Humarap ako kay aunt Larra at agad siyang niyakap ng mahigpit.

Namumugto na ang mga mata ko at sobrang hapdi na rin dahil sa walang tigil na pag agos ng mga luha ko.

Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ko ang pag galaw ng kaniyang balikat.

Kung masakit sa'kin na mawala siya, mas masakit sa mama niya dahil siya ang nag luwal sa kaniya.

Casa Hacienda (Series 1: Ynovv Costarrez)Where stories live. Discover now