𝐇𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"I apologize, this room is kinda chaotic," sabi ni Aziel sa akin, na naupo mismo sa armrest ng upuan niya. Hindi kaya 'yan masira?
"Hindi, okay lang. Tingin ko masayahin ang lahat ng tao dito," sagot ko. He just smiled.
"Ah, I almost forgot."
Lumapit siya sa katabi kong lalaki sa kanan, na nagbabasa ng libro."Here, it's for you," sabi niya sabay abot ng chocolate cake sa lalaki.
Hindi ito umimik, o nagpasalamat man lang. Tumango ito, sabay bukas ng lalagyan. Sinimulan niyang kainin ang cake, habang nakatingin pa din sa libro niya.
"Gray, ipakilala mo naman ang sarili mo sa bago nating classmate," sabi ni Aziel sa kanya.
Tumingin ito sa akin. This guy have this grayish hair which is kinda unkempt. Kumpleto din sya sa uniform.
Bakit ba pati uniform pinapakialaman ko, kasalanan ito nung lalaki kanina na hindi man lang maalam manamit ng ayos.
"Gray. Gray Idris Ambrose," sabi nito at saka bumalik sa ginagawa niya. Cold ah. Pinanindigan niya talaga yung pangalan niya na Gray. He's gloomy, alright.
"Oy, Gray, that's not how you properly introduce yourself. Well anyways, Heather, this is Gray. Not a fan of conversations, as you can see. He's always been like this, please forgive him. And Gray, this is Heather, our classmate and she's a transferee! She's nice, don't you think? "
Tumango lang ito, na hindi man lang nakatingin sa amin ni Aziel. Nagpatuloy lang ito sa pagbabasa at pagkain.
"He's like this, all the time. Don't worry," sabi ni Aziel. "Ah alam mo baー"
"SILENCE!"
Nagsitahimikan ang lahat ng madinig ang sigaw na iyon. Napatingin ako sa pinto.
"Minimize your voice, if you don't want any surprise visit from the teachers," sabi nito.
Siya na naman, ang lalaking mukhang mayabang na hindi marunong manamit.
Kaya siguro nasabi ni Miss Rosalie na samahan ako sa room, ito ang section niya.
Dinig ang paglalakad niya sa buong classroom, mga mabibigat na hakbang na sabayan pa ng tunog ng makakapal na suwelas ng kanyang boots kada yapak sa sahig.
Napatigil ito nang magtama ang mga mata namin.
I still see the endless void. Those eyes...
He stared at me for a moment, then he smirked.
Aba'tー
"I see, you found it. Good job, for such a senseless girl like you."
Those words made my ears ring, parang nag-echo pa yung sinabi niyang iyon.
"Hey, Kay, you shouldn't talk like that," saway sa kanya ni Aziel.
Nagkibit-balikat lamang ito at saka naupo sa upuang nasa kaliwa ko.
"Here, catch," sabi ni Aziel sabay bato sa kanya ng bag ng chips. Nasalo naman niya ito. Binuksan niya ang bag at saka nagsimulang ngumata.
Kahit tingin pa lang niya talagang nakakairita na. Paano pa yung attitude?
"Sorry, Heather. He's just like that sometimes. Well, this man is Kayzee," sabi ni Aziel sa akin sabay turo sa lalaking iyon. "He's pretty much harmless.. So.."
Harmless? Mukha bang harmless yan? Iba ang pakiramdam ko.
Kinain ko na lang din ang mga natirang cupcake na binili ni Aziel para sa akin.
BINABASA MO ANG
Cloaked Lust
Teen FictionIs it possible to love someone in the dark? Is it worth to take the risk of being in love with someone you don't know anything about? Heather is an ordinary girl who transferred to a school, in which she doesn't choose to study, and leaving her frie...