𝐇𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Patuloy lang akong sumusunod sa babae. I can feel my cold, shaking hands as I clasped them together.
Kinakabahan ako, pakiramdam ko talaga mapapahamak ako nang malala rito.
Tumigil ang babae sa paglalakad, kaya napatigil na rin ako. "We're here," sabi niya.
Nandito kami sa isang building, na may mga pinto, at mga pintong iyon ay may mga nakadikit na papel. Nakatupi ang mga ito. Sa harap nito ay ilan pang mga estudyante, na nag-uusap nang pabulong.
"Please wait in here, along with the other students," sabi ng babae sa akin. I nodded, and smiled at her. Umalis naman ito kaagad.
"Ano kaya ang gagawin natin? Excited na ako!" narinig kong sabi ng isang estudyante.
Nakakaexcite na ba 'to? Mas nangingibabaw ang takot sa akin dahil sa sinabi nung dalawa kanina. Parang gusto ko na magbackout.
I scanned my surroundings. Kakaunti lang naman ang mga estudyante na naririto. Tingin ko na nabilang na nila lahat kami dahil parang gano'n din ang bilang ng mga papel sa bawat pinto. Hindi ko alam kung anong part ba ito ng school, at hindi ako sigurado kung ginagamit nga ang mga silid na narito.
"So, nandito na ba ang lahat?" dinig kong sabi ng isang tinig. Ito ay ang guidance counselor na si Miss Rosalie.
"Opo, nandito na lahat, Miss," sagot ng isang babae na para bang nagbibilang ng gamit ang mata niya.
"Okay! So let's start," nakangiting sabi ni Miss Rosalie, at tumingin sa mga estudyante. Nakita niya ako, at saka tumango. I smiled at her. "As you can see, there are papers in front of the door. Each paper has names on it, and one door supposed to have your name. Find it, and you'll step inside."
The whole crowd filled with excited whispers.
"Miss, ano po nasa loob ng mga room?" tanong ng isang estudyante.
"That's for you to find out," she said while smiling.
Anong naghihintay sa amin sa loob..? Ano 'yon?
No, erase, erase, erase!
Kahit ano pa 'yan, matatapos ko rin. I hope."You may now start. Good luck," sabi ni Miss Rosalie. Mabilis na nagsipuntahan sa mga pinto ang mga estudyante, at hinanap ang kanilang mga pangalan. Sumunod na rin ako kaagad, pero nakatayo lang ako sa harap. Pinanood ko sila na pumasok sa mga pinto kung saan nakadikit ang mga pangalan nila. Kapag hindi kanilang pangalan ang kanilang nakita, kaagad silang nabubusangot. Sa pag-aagawan ay ilan sa mga papel na nakadikit sa mga pinto ay halos mapunit na.
Hindi nagtagal, ang huling estudyante na nasa harap ay nakita na rin ang kanyang pangalan, at pumasok sa loob. Ang pinto na nasa bandang dulo ay malamang na sa akin na. Naglakad ako papunta sa pintong iyon, at saka tiningnan ang punit na papel.
Sa akin nga ito, ngunit ang first name ko ay nahati, and now I read it as "Heat" and "her". Heat her, as in hot ba ako o kailangan ko pang mapakuluan? Parang ulam lang, gano'n?
Napuno ng katahimikan ang paligid. Wala akong marinig na ingay mula sa ibang mga pinto.
"Go ahead, Miss Callaghan," narinig kong sabi at napalingon ako sa likod ko. Nakatayo ro'n si Miss Rosalie, na nakangiti naman sa akin. I just smiled back. I looked again to the door, and with a cold, shaking hand, I reached and twisted the doorknob.
I stepped inside, and closed the door. It's just a classroom, with chairs, teacher's table in front, bookshelves, and those pictures on the walls. Though normal, I can still feel the chills.
Napatingin ako sa blackboard sa unahan.
May nakasulat doon. Lumapit ako para mabasa 'yon. My steps echoed throughout the whole room, and it kinda makes me feel nervous. I'm already thinking that someone might just touch and hold onto my shoulder.
BINABASA MO ANG
Cloaked Lust
أدب المراهقينIs it possible to love someone in the dark? Is it worth to take the risk of being in love with someone you don't know anything about? Heather is an ordinary girl who transferred to a school, in which she doesn't choose to study, and leaving her frie...