𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐈𝐈𝐈

22 10 4
                                    

𝐇𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Naabutan ko naman sa hallway ang lalaking iyon, na sobrang bilis maglakad.

"You're too slow, bilisan mo naman", he said without even looking at me.

"Hindi ko kasalanan na mabilis ka maglakad," sagot ko. Kung hindi ba naman gano'n kahahaba biyas niya, hirap niya habulin. "But why are we going to the SSC Office? Bakit kasama ako, kung pwede na ikaw na lang?"

"First of all, where are you pulling out such guts to talk to me like that?" sabi niya sabay tingin sa akin. At kailan pa naging bawal ang pagtatanong? Pag-uusisa? Kung hindi niya ako ginawang Vice, wala talaga ako sa sitwasyon na ganito. Nawala na nga sa plano ko 'yung pagiging lowkey nang dahil lang dito.

But those eyes.. It feels like you're looking into a dead fish eye.

"Nagtatanong lang naman ako," sagot ko. Tumingin na lang ako sa dinadaanan ko. Walang kwenta makipag-usap sa lalaking ito.

Nabalot ng kami ng katahimikan, habang tinatahak ang daan papunta sa SSC Office (na hindi ko naman alam kung nasaan kaya sinusundan ko na lang siya).

"You're right," sa wakas ay sabi niya. "I can do it myself, I can report to the office all by myself. But they specifically mentioned that the Class President and Vice President should report. I could've done it myself."

"I don't mind, kung kaya mo, eh 'di gawin mo," sagot ko sa kanya. Hindi ko na kailangan pang lumingon, dahil sa kadahilanang nakakasawa na mukha pati ugali niya, kahit ngayon ko pa lang talaga siya nakilala.

Hindi na ito umimik.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto. Binuksan niya iyon, at saka kami pumasok sa loob.

Isa itong malaking kwarto, na may mahabang lamesa sa gitna, at nakapaligid dito ang mga upuan.

Sa dulo ng lamesang ito ay may isang swivel chair na nakatalikod sa amin. Kapansin-pansin na may tao na nakaupo roon.

Humakbang ng ilan ang lalaking ito, na dinig naman sa buong kwarto. Talagang tumutunog ang boots niya sa bawat hakbang, mabibigat na yabag na akala mo palaging galit.

"Well, should've guessed who opened the door without knocking," sabi ng taong nakaupo sa swivel chair.

"Enough with the chit-chat. I'm here to sign something. Give me the paper, for the class officers," sagot ng kasama ko.

"Nandiyan lang saー" kasabay ng pag-ikot ng kanyang upuan ay ang pagtigil niya sa pagsasalita, at pagtitig nito sa akin.

Ilang segundo na ang lumipas at hindi niya inaalis ang kanyang tingin, maging ang kumurap man lang ang mga mata nito ay hindi niya ginawa.

Nabasag ang katahimikan nang marinig namin ang sadyang pag-ubo ng lalaking walang galang. "The paper? Time is running, should've been somewhere else other than here."

"A-Ah, tingnan mo diyan sa may folder," sabi ng lalaking nasa swivel chair.

Binuklat naman nito ang folder at saka hinanap ang papel.

"So...," panimula niya, kaya nabaling ang atensyon ko. "You're friends with Kay?"

"Hell nah."

"Hindi po."

Mas gugustuhin ko pang maging friendless kung siya na lang ang natitirang tao sa mundo.

"Oh, I see. Anyways, you being in here means you're the Vice, right?" tanong niya sa akin.

I just nodded as a response.

"Kay's always been a handful. Sana maging maayos ang pamumuno niyo sa room," nakangiting saad nito. "Ah, where are my manners? I'm Venice, the SSC President. I'm already in my fourth year."

Cloaked LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon