𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐈

73 14 14
                                    

𝐇𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐏𝐎𝐕

"Hmmm..."

"Hmmm..."

"Hmmm..."

"Miss?"

"Ay, bakit po?"

"Kanina niyo pa po tinititigan 'yung damit, almost half an hour na po."

"Pasensya na po, opo bibilhin ko naman po ito."

"Sige po Miss. If you need any help, pakitawag na lang po ako."

"Sige po, thank you po."

Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako. Baka mamaya isipin nung sales lady na ilalagay ko sa bag yung damit, siguro.

Namimili ako ng damit para magamit ko kapag wash day sa school. Hindi daw palagi nagsusuot ng uniform doon kapag Friday and Saturday. Student activity yata tawag doon, ayon don sa handbook na nakuha ko. Hmm...

I almost forgot to introduce myself. ฅ^•ﻌ•^ฅ

I'm Heather Reesefay Callaghan, currently 18 years of age, isang transferee sa isang University. Literal na kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong klaseng paghihirap na naman ang dadanasin ko ngayong taon, pero sana hindi naman ganoon kalala.

Monarch University.

Ito ang pinili ni Papa na school para sa akin. Sabi niya na bukod sa prestihiyoso, isa ito sa mga nangungunang University sa bansa, na nagpo-produce ng mga kakayahan na hindi kayang ikumpara sa iba pang eskwelahan. We'll see about that.

Binayaran ko na ang damit na kanina ko pa tinititigan at baka sabihin na tinitigan ko lang ng matagal, wala akong balak bilhin. Maganda naman yung dress na ito. Pwede na siguro.

Lumabas ako ng store, at saka nagpunta sa napagkasunduan na tagpuan namin ni Kaia, isang café na hindi naman kalayuan dito. Matagal ko na ding hindi nakikita ang babaeng iyon.

"Here, here!", dinig kong tawag sa akin ni Kaia. Naupo ako sa upuan na katapat ng sa kanya. "Kamusta naman? May nabili ka ba na kayang sumabay sa iyong beauty?"

"Meron naman akong nabili, hindi ko napansin na napatulala ako doon sa damit. Nakakahiya naman na hindi ko bilhin, baka isipin na hindi ako nagandahan at gusto ko lang pulaan yung design," sagot ko. "Maganda naman siya, bagay sa doll shoes."

"Then good for you. I can't believe it, iniwan mo ako sa ere besh," sabi niya na parang nagtatampo pa yata.

This girl, really.

She's Kaia de Guzman, my beautiful and (sometimes) fussy and complicated best friend. I still love her kahit na ganon. She's been my best friend ever since high school. Naiwan ko siya sa school namin, at I know it's really hard to leave this girl alone.

"Hindi kita iniwan sa ere. Ikaw na kumausap kay Papa kung gusto mo."

"Nah, ayoko. Nakakatakot si Tito." Really.

Dumating na yung mga in-order niya, at hindi ko alam na may in-order nga siya.

"Here, this strawberry cake is for you," sabi niya sabay abot ng cake sa akin. "And this chocolate one is mine. Ayan na din tea mo, alam ko gusto mo ng tsaa kasama ng matamis na cake."

She really knows me well.

Nagsimula na kami kumain, at nagpatuloy pa din sa kwentuhan. "Ano na ganap sa Arellano?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Boring nga at wala akong nababalitaang bagong event, iyon na nga lang bumubuhay sa akin," nagrereklamo na sabi nito. "Iniwan niyo ako ni Lore. Parehas kayong mang-iiwan!"

Cloaked LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon