𝐇𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Salamat po, Kuー"
"Walang 'po'."
"Salamat, Kuー"
"Wala ring 'Kuya'."
"Salamat, Venice."
"Yes, you're welcome. Well, gotta go," he said. I nodded. He smiled again at me once more, then he left.
Hinatid niya ako sa room namin, at napansin ko na nagtitinginan ang mga kaklase ko, pati na rin ang mga tao sa labas. I mean, hindi ko naman...
Ayoko po ma-issue, kakapasok ko lang talaga ngayon, 'wag kayong ganyan.
"Took you long enough!" narinig kong sabi ni Aziel.
Naglakad ako papunta sa aking upuan, at saka naupo.
"Akala ko kasama mo si Kay pabalik?" tanong nito sa akin.
"Kasama? Eh nauna na nga siyang bumalik," sagot ko.
"Nauna? Hanggang ngayon wala pa siya."
Anong wala pa rin siya? Buong akala ko naman ay bumalik na 'yon, at nag-aya na nga umalis.
Saan naman nagsuot 'yon?
Pero malaki na naman siya, kaya na niya sarili niya.
As if I care.
"Baka naman nawala na siya?" sabi ni Aziel na para bang napaisip pa.
"That's stupid. He can't be lost, his sense of direction is stronger than yours. Besides, he knows all the pathways in this school," sabi naman ni Gray. Hindi ito nakatingin sa amin, bagkus ay nakatingin ito sa binabasa niyang libro.
"On second thought, you're right. Maybe he's off somewhere," pagsang-ayon ni Aziel.
Napabuntong-hininga na lang si Gray dahil sa sinabi ni Aziel. Mukhang pagod na siya rito kakaintindi.
Matatapos na ang araw at ni anino ng lalaking nawala na parang bula ay hindi namin nakita.
Siguro umuwi?
"Hindi na bumalik si Kay ah. Baka tumambay sa ating hideout?" sabi ni Aziel kay Gray.
"Doubt it," sagot ni Gray.
May hideout sila? Wow. Doon ba nila ginagawa ang mga ipinagbabawal na transaksiyon?
"Should I call him?" tanong ni Aziel.
"No, let him be. Ayaw niya nakaka-receive ng tawag, lalo na mula sa'yo," tanging sagot ni Gray, at saka nag-umpisang ligpitin ang mga gamit niya sa desk.
"Ah, I remember now," sabi ni Aziel na para bang nagkaroon ng spark somewhere inside his head. "Hindi ba, may Defreezing? Baka nag-aayos na siya para do'n? I remember Kuya Venice talking about it, he said Kay's in-charge."
Tumindig bigla ang balahibo ko pagkasabi niya no'n. Nakalimutan ko ang tungkol doon ah.
"Speaking of Kuya Venice, it seems that you've met him already, Heather," sabi ni Aziel sa akin. "Well, what do you think?"
"He's a nice person."
"Hinatid ka niya kanina. That's so unusual of him."
"Unusual?"
"Yep."
"Bakit?"
"He's too busy doing things, alam mo na, kasi siya si SSC Pres."
"Haven't seen him smile like that before," sabi ni Gray. "Ano pinag-usapan niyo?"
"Wala naman. Nagkwento lang siya about his duties and stuff."
BINABASA MO ANG
Cloaked Lust
Novela JuvenilIs it possible to love someone in the dark? Is it worth to take the risk of being in love with someone you don't know anything about? Heather is an ordinary girl who transferred to a school, in which she doesn't choose to study, and leaving her frie...