PROLOGUE
Mabibigat ang aking paghinga habang nanginginig ang aking katawan. Nilakad ko ang malamig at tahimik na kagubatan. Walang maririnig na ibang ingay kundi ang mga huni ng insekto, alon at pagaspas ng mga punong nagbabanggaan at ang nililikhang tunog ng aking mga hakbang.
Nagpatuloy ako sa aking paglakad habang yakap ang sarili nang biglang humangin ng malakas. Nagsitayuan ang aking mga balahibo.
Nangatal ang aking labi sa lamig bago inilibot ang paningin sa paligid. Wala akong makita kundi ang mga nagsisistaasang puno at ang usok na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Sa huling sandali ay muli kong inilibot ang paningin at mula sa di kalayuan, sa isang puno ay may naaninag akong bultong nakasilip. Ang kaninang nakatayo kong balahibo ay mas tumayo pa na para bang nais nitong umalis o humiwalay na sa aking balat.
Naglakad takbo ako at binalewala lamang iyon dahil baka namamalikmata lang ako, pero nagulat ako dahil sa aking paglingon ay nakita kong mabilis na lumipat ang bultong iyon sa kabilang puno at sa kabila pa.
Tinakbo ko na ang nakikitang pinagmumulan ng usok dahil baka may tao roon at may mapaghingan ako ng tulong, ngunit napahinto ako sa aking mga pag hakbang nang may dumaang mabilis na hangin sa aking harapan kasabay ang hapding naramdaman ko sa aking braso. Nang akin iyong tiningnan ay may maliit na kalmot iyon doon.
Bago ko pa man maihakbang ang aking paa dahil sa takot ay nanlabo ang aking paningin. Nawalan ako ng malay sa makisig na yakap at ang kaniyang matang nakatitig sa akin.
Pula ang kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
SELENA : Queen Heart
VampireEveryone was searching for her and the devils are after her again. Will she be able to protect everyone that's close to her heart or will just be the torn to everyone? Date Started : August 17, 2022 Date Ended : - Status : On-going