four | IN HIS ARMS

4 1 0
                                    

Chapter 4

NAG-AABANG ako ng sasakyan sa waiting area at halos punuan din ang mga dumadaan. Chineck ko ang oras at mukhang malelate pa yata ako. Marami rin kaming nag-aabang sa waiting area at halos hindi pa nga nababawasan.

Unconciously, I tap my fingers at the edge of my sling bag patiently waiting for an empty car to arrive pero bigla akong nabuwal ng may humablot ng bag ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at hinabol ito.

"Magnanakaw! Ibalik mo ang bag ko!" I shouted out of my lungs.

Patuloy lang ito sa pagtakbo habang ako naman ay hinahabol ito. Mabilis itong tumakbo at nanghihina narin ako. Not my bag please. Andon ang necklace na regalo ni mama at papa sa akin. Iyon nalang ang tanging ala-ala ko sa kanila.

Sa nanlalabong mata dahil sa pamumuo ng luha ay nakita kong lumiko ito sa isang eskinita. Sa hinihingal na katawan ay pinilit ko parin itong habulin. As I was about to turn when suddenly my bag appeared infront of me. Pinulot ko iyon at nagtatakang sinilip ang lalake roon. Napasinghap ako ng makitang wala na itong buhay. Maputlang nakanganga at nakadilat ang mga mata.

Sa takot ay agad akong napatakbo pabalik sa waiting area. Wala ng tao roon dahil malamang ay nakasakay na ang mga ito. Sa oras ba naman na ginugol ko sa magnanakaw na iyon. Kinakabahan kong sinulyapan ang pinanggalingan ko nang manlaki ang mga mata ko. Mula sa eskinitang pinasukan ng magnanakaw ay naroon ang lalakeng minsan ko nang nakita sa puno na nasa likod ng apartment ko. Kinakabahan kong ibinaling ang tingin sa unahan at ipinikit ng mariin ang mata.

"Uhh, miss. Sasakay kaba?" Napadilat ako ng marinig iyon.

May nakahinto na palang taxi sa harap ko. Tumango ako at walang pagdadalawang isip na sumakay doon. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok sa loob. Bumaling ako sa eskenitang iyon at nakitang wala namang taong nakatayo. Tama. Baka guni-guni ko lang iyon.

Pagkarating sa coffee shop ay kaagad akong humingi ng paumanhin kay mam Helen at sinabing okay lang daw iyon dahil first time lang naman. Nagtataka lang siya dahil hindi naman daw ako nalalate noon. Sinabi ko ring may humablot sa bag ko na pinagsisihan ko lang din dahil sa takot na nakita ko sa mukha niya. Ganoon din ang mga katrabaho ko. Pinagpaliban narin muna akong patrabahuhin kaya mas lalo akong nagsisi na ikwento. Pero hindi parin naman ako pumayag kaya wala rin silang nagawa. But apart from that, my mga nakatago pang kwento subalit hindi ko nalang isiniwalat. Sinabi ko na lang na nahuli ng mga pulis.

Nagbihis din ako at ginawa ang trabaho ko. Sana ay makalimutan ko nalang ang nakita. Kinikilabutan talaga ako eh. Napabuntong hininga ako at nakangiting sinalubong ang mga costumers.

Maaga kaming pinauwi ni mam Helen at nagsuggest din siya na sa kanila na lang daw ako matulog. Syempre ay tumanggi ako. Ayos naman na ako at kaya ko ang sarili ko. I've been living alone kaya kaya ko na ang sarili ko.

Muling nag offer si Matias na ihatid ako kaya naman nagpasalamat ako at makakabawas na naman sa gastos pamasahe. Mahal din ang bayad sa taxi.

Pagkarating ay pinapasok ko pa siya para magkape ngunit tumanggi siya. Baka raw ay abutan siya ng curfew dahil wala siyang dalang helmet. Pasaway talaga.

Kadiliman at katahimikan na naman ang muling bumalot sa akin pagkapasok ko sa loob ng apartment. Pagkatapos i-lock ang pinto ay binuksan ko ang ilaw. Pagod akong umupo sa couch. Ang dami yatang naganap sa araw na ito kahit isa lang naman talaga. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kisame.

Kinuha ko ang necklace sa bag at pinagmasdan ito ng maiigi. Nangingilid ang luhang niyakap ko ito sa aking dib-dib at tahimik na umiyak. Muntik ka ng mawala sa akin. Sobrang halaga talaga nito sa akin. Kunin na lang ang lahat sa akin pero huwag lang ito.

SELENA : Queen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon