Chapter 5
SA halong pagod at pagkabigo ay nakatulugan ko ang pag-iyak ngunit bago iyon ay naramdaman ko pa ang kaniyang labi na lumapat sa aking noo.
"Good night mi amor."
Kinabukasan ay ang hapdi ng mga mata ko pag gising. Tumingin ako sa salamin at nakitang namamaga nga ito. Wala akong matandaang umiiyak ako kagabe. Natulog na kasi ako pag dating ko.
Napasimangot tuloy ako kaya naman pagkatapos maligo ay pinatungan ko ng concealer ang namamaga kong mata. Baka kasi mahalata nila.
Pagkarating sa coffee shop ay kaagad akong nagbihis. Paglabas ay ang balita na naman tungkol sa mabangis daw na hayop na sumisipsip ng dugo ang nasa tv. Seryosong nanonood ang tatlong babae at mga lalake. Ako rin ay nakinood. Dalawang babae at isang lalake na naman daw ang biktima.
Napailing iling ako sa mga narinig ngunit hindi na lamang pinagtuunan ng pansin iyon. Buong maghapon lang akong nakatutok sa pagseserve sa mga costumers hanggang sa mapansin nila Annie ang namamaga kong mata. Sinasabi ko na nga ba.
"Hala ses, anyare sa mata mo?" Agad ko naman silang pinandilatan ng mata dahil baka marinig ni Mrs. Helen.
Napaface palm naman ito at nag-aalalang pinagmasdan ako.
"Don't tell me, may jowabells kana gurl. Ay talaga naman. I kennat!" biglang sabad naman ni Mika ngayon na pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.
Natawan naman ako sa mga reaksyon nila ng sabay silang napatakip sa bibig at gulat na gulat.
"Wala noh, ano ba kayo. May napanood lang akong nakakaiyak na palabas kagabe. Alam niyo naman, mahilig ako sa movies," pagbibigay linaw ko naman sa kanila.
"Sure ka teh?" Lara.
Tumango naman ako sa mga ito. Mas pinili ko nalang rin ang matahimik dahil baka mag-alala na naman sila sa kung ano mang bumabagabag sa aking isipan. Idagdag mo pa na mas lalo yatang dumarami ang bilang ng mga nabibiktima.
Naalala ko na bukas na pala ako magsisimula sa paaralang papasukan ko at napag-alaman ko narin na hindi kakayanin ng schedule ko ang isingit ang trabaho ko rito sa coffee shop. Sa mabilis na salita ay magreresign ako at mamaya na iyon.
Nakakalungkot isipin na ang minahal kong trabaho ay iiwan ko na para sa pag-aaral. Ganon din sa mga katrabaho ko lalong lalo na si mam Helen na walang ginawa kundi ang ilagay ako sa kabutihan. Napakabait at purong puro ang puso.
Wala akong magagawa kundi tanggapin na mawawalay na ako sa kanila. Pero bibisitahin at kakamustahin ko naman sila kapag may oras ako.
Nakatipon kami sa bilog na lamesa dahil ibibigay na rin sa amin ang mga sweldo namin. Tapos narin namin ang mga trabaho namin kaya pinagtipon na kami ni mam Helen.
Ibinigay niya na ang mga sweldo namin at pagkatapos niyon ay kinuha ko na rin ang pagkakataon para sabihin na huling araw ko na ito rito. Malungkot man ang naging dating sa kanila, lalong lalo na kay mam Helen ay sinuportahan parin nila ako. Alam kong mahirap sa kanila dahil napalapit na rin ang loob ko pero kinakailangan. Gusto kong makapagtapos at pangarap iyon ng mga magulang ko sa akin.
Nangako rin naman ako na kapag magkaroon ng oras ay bibisita ako sa coffee shop. Nagsi uwian narin kami makaraan. Nag offer pa sana si Matias na ihatid ako ngunit tumanggi na ako. Nagpasalamat nalang ako rito.
Pagkarating sa apartment ay dumiretso ako sa kwarto at humiga pagkalock at pagkabukas ko lang ng ilaw. Nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa maramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko. Pagtingin ko sa oras ay alas syete narin pala.
BINABASA MO ANG
SELENA : Queen Heart
VampireEveryone was searching for her and the devils are after her again. Will she be able to protect everyone that's close to her heart or will just be the torn to everyone? Date Started : August 17, 2022 Date Ended : - Status : On-going