Chapter Eight
KINABUKASAN ay nagising ako sa tunog ng alarm at sinalubong ang sinag ng araw. Bumangon ako saka nag unat. Binuksan ko ng malaki ang bintana kasama ang puting kurtina na sumasayaw sa hangin.
Nag ayos ako saka lumabas at nagtungong cafeteria. Pagkaupo sa dating pwesto ay inilibot ko ang paningin sa paligid. Baka maulit na naman yung kahapon. Yung insidenteng iyon. Bukod dun ay wala na akong matandaan.
Nothing's suspicious. Magsisimula pa lang sana akong kumain ngunit may naglapag ng tray sa harap ko. Pag angat ko ng tingin ay siya na naman ang nakita. The red hair guy. What is it again? Kailan niya ba ako tatantanan?
"Hi," bati niya bago itinaas ang kamay.
Hindi ko siya pinansin saka tinuloy ang naudlot na pagkain.
"Ang cold mo naman," dagdag pa niya bago nagsimulang kumain.
"Nga pala, alam mo na ba yung tungkol sa first acitivity natin? Ngayon daw 'yon," aniya.
Oo nga pala. I remember, kaklase ko siya sa isa kong subject. Reflection about the difference of the elements. How does any of them could be a help on us. Dalawa ang dapat na gumawa no'n at wala akong pagpipilian dahil ako ang pinili niyang kapartner.
"Alam ko. Mamaya, meet me at the library," ani ko at tinapos ang kinakain bago tumayo.
I return the tray and headed to my first class.
"Do you, perhaps know about the tragic story of cinderella?" panimula ng aming guro.
Her arms are crossed againts her chest while roaming her eyes around. Inayos nito ang salamin saka naupo sa unahan ng kaniyang desk.
"As you all know about the story, Cinderella had a fairy god mother, a prince and a beautiful shoes that only suits for her," dagdag niya.
"But those are just her imagination. Cinderella never had a fairy god mother, a prince and a beautiful shoes. The truth behind that is, she's a battered woman. Palagi siyang sinasaktan ng kaniyang step-mother at ng mga anak nito. She had bruises all over her body. There is no fairy god mother, but a stepmother who always hurt her," aniya.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at naglakad-lakad sa harapan.
"A knight and shining armor? A prince that could save her? She never once had a prince, because he was a dirty man. He always abused her." Rinig ko ang iilang mga singhap ng aking mga kaklase and some of them are just intently listening.
Nagtaas ng kamay ang isa kong kaklase.
"Yes, miss Monroe?" tawag ng aming guro.
"How about, the fairy god mother?" tanong nito.
Nakangising umiling-iling ang aming guro saka nagsalita.
"The fairy god mother you are saying, is the woman who sold her to the old man. Cinderella thought that she will help her, but she's not. Binenta siya nito sa mga matatanda," again, gasped filled the room.
Huminto sa paglalakad ang aming history teacher sa harap at muling nagsalita.
"And a beautiful and shiny shoes that only suits for her? There is no such thing, because she walks barefoot. Walang kung anong suot kaya puro sugat ang kaniyang paa."
Naputol ang kwentong iyon nang tumunog ang bell.
"Okay, class dismiss," deklara ng aming guro saka umalis.
That's odd. Why would she tell a story about Cinderella? Umiling na lamang ako saka tumayo para sa next class.
Habang naglalakad sa next class ay may nakabangga akong studyante. Nahulog ang mga gamit nito. Humingi ako ng paumanhin at tinulungan siya. Binigay ko sa kaniya ang mga nahulog niyang gamit at muling humingi ng paumanhin. Yumuko rin ito at humingi ng paumanhin saka ito umalis. Tumalikod nako ngunit napahinto nang may maapakan ako. Pinulot ko iyon saka sinuri. It was a diamond necklace. Baka nahulog ito nung babae. Lumingon ako para sana isauli ang kwentas ngunit hindi ko na siya naabutan pa.
BINABASA MO ANG
SELENA : Queen Heart
VampireEveryone was searching for her and the devils are after her again. Will she be able to protect everyone that's close to her heart or will just be the torn to everyone? Date Started : August 17, 2022 Date Ended : - Status : On-going