three | HIS PRESENCE

5 1 0
                                    

Chapter 3

Napahagikgik ako.

“Wala na sis, may nanalo na,” kunwari ay tumalikod ang mga ito kaya natawa ako.

“Ano ba kayo. Mga sira,” ani ko.

“Libre mo kami ah? Ket doon lang sa turo-turo,” sabi ni Mika kaya naman tumango ako.

Tumili pa ang mga ito na walang tunog. Seryoso? Akala ko ako lang ang hindi makaget over sa nakuhang tip. Natawa na lamang ako sa naisip.

Kinabukasan ay naghanda na naman ako sa pagpasok. Dala ang nilabhang uniform ay lumabas na ako at nag abang ng sasakyan.

Pagkarating ay kaagad akong nagbihis at nag-abang sa counter.

“Uyy gurl, napanood niyo ba yung balita nung nakaraan? Grabe noh?” biglang saad ni Annie ng idungaw nito ang ulo sa butas.

Sino paba? Siya lang naman ang chismosa sa amin eh. Napailing ako.

“Oum. Napanood ko rin yun. Maputla na raw ng matagpuan. Nakanganga habang dilat ang mata,” dagdag pa ni Lara.

Bumaling ako sa pinto ng coffee shop at nagbantay ng papasok ng magsimula ng magkwento ang mga ito. Mataman lang akong nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Napanood ko rin ang balitang iyon, nga lang, pinatay ko na agad ang tv. Nakakakilabot naman kasi iyon.

Bigla kong naramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa braso ko kasabay ang paunti-unting pagsisistayuan ng balahibo ko. Agad kong hinimas ang braso at umiling iling.

Nakangiti kong pinuntahan ang kakaupo palang na costumer at agad na hiningi ang order nito. Pagbalik ay nilapag ko ang papel at agad ko namang kinuha ang isang purong kape na inabot sa akin ni Matias at nilagay iyon sa tray.

“Here's your coffee sir. Enjoy,” ngiti kong saad dito na agad naman nitong sinuklian kasabay ang pagtango.

“Thank you,” tugon nito at humigop sa kape.

Tumango ako at bumalik na sa counter. Kinakalabit ako ni Annie kaya naman napalingon ako rito.

“Ses, diba mag-aaral kana?” Tumango ako.

“So, ibig sabihin ba nun, iiwan mo na ang coffee shop? Iiwan mo na kami?” malungkot nitong saad.

Pati ang dalawa na nasa counter ay sumabad na rin na kesyo iiwan ko na raw sila. Natawa nalang ako at napailing-iling.

“Kayo talaga. Magpapakita parin naman ako at kung hindi magiging hassle sa schedule ko ay bakit ako magreresign? Saka kailangan eh. Gusto kong makapagtapos,” ani ko at tipid silang nginitian.

Malungkot silang tumango kaya napabuntong hininga ako.

“Para naman akong mangingibang bansa sa inaasta niyo eh,” saad ko makaraan nang makita ang pagmumukha nilang tatlo.

Agad na nagtubig ang mata ko ng makitang kumibot ang kanilang mga labi. Tinapik ko ang mga ito at isa isang niyakap. Grabe, nakakaiyak nga itong paghihiwalay namin. Simula nung walang wala ako noon, sila ang mga naging katuwang ko sa trabaho. Sila ang nagtiyaga sa pagtuturo sa akin kung ano ang gagawin kaya utang ko sa kanila ang kung anong meron ako lalong lalo na kay mam Helen.

SELENA : Queen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon