[002] PROPOSAL

3 1 0
                                    

"PROPOSAL"
✍️: 𝖫𝖺𝖽𝗒𝖠𝗂𝗅𝗈𝗎𝗋𝗈𝗌

Kasabay ng pagbukang liwayway
Nasilayan ang kagandahan mong taglay
Puso'y sayo handang ialay
Nasasabik na makasama ka habang buhay

Sa pagbukadkad ng mga bulaklak
Puso ko'y binalot ng galak
Kinulong sa mainit mong yakap
Sa pakiramdam, oh kay sarap

Magkahawak-kamay tayong tumayo sa gitna ng hardin
Ninanamnam ang preskong hangin
May ngiting humarap ka sa akin
At sinambit ang mga katagang, "Ikaw lang ang aking mamahalin"

Nang ika'y dahan-dahang lumuhod
Tila ako ay natuod
Mga mata mo'y puno ng pag-asa
Pag-asang habang buhay tayong magsasama

Iisa lang ang ating hiling
Na ang isa't isa ay makapiling
"Maaari ba kitang maging asawa?"
Tanong mo na sinundan ng nerbiyosong tawa

Mga luha'y hindi na napigilan
Ang bibig ay aking tinakpan
Umiiyak na sinagot ang iyong katanungan
"Oo mahal, ika'y aking pakakasalan."

POEMS [Collection]Where stories live. Discover now