[011] ALAALA

7 1 0
                                    

“ALAALA”
✍️: LadyAilouros

Mabait parin ng mundo kahit papaano
Hinayaan niya akong mahalin ang isang katulad mo
Masakit man ng ika'y lumayo
Tiniis ko at ika'y minahal na lang ng patago

Nais kong magreklamo sa mundo
Kung bakit hinayaan niyang mangyari ito
Kung bakit kailangang iba pa ang mahalin mo
Kung bakit hindi na lang ako

Nakita ko kung paano kumislap ang iyong mata
Sa tuwing nagkatitigan kayong dalawa
Doon nasagot ang mga katanungan
Mas masaya ka sa kaniyang kanlungan

Ilang beses man na umiyak
Magmakaawa na ika'y bumalik at balutin ng mainit mong yakap
Ngunit ang pagtawa mo kasama siya ay alam ko na
Alam ko ng nakaraan natin ay hindi na maibabalik pa

Masakit man para sa akin
Ngunit kailangan kong tanggapin
Na ang dating matamis nating pagsasama,
Mananatili na lamang iyong alaala

POEMS [Collection]Where stories live. Discover now