"KUNTENTO"
✍️: LadyAilourosHindi dahil mahal kita
Kaya ko ng magpakatanga
Minahal kita ng higit pa sa sapat
Ngunit may hangganan din ang lahatHindi mo ako kayang ibigin
At kaya ko iyong tanggapin
Hindi kita sisisihin
Dahil hindi ko naman hawak ang iyong damdaminHindi mo responsibilidad itong nararamdaman ko
Hindi mo obligasyong ibalik ang pag-ibig ko
Ang mahalaga sa akin ay malaman mo
Kung sino itong tinitibok ng puso koAaminin kong masakit
Ngunit wala akong karapatang magalit
Ayaw ko na ring ipilit
Madadagdagan lang ang nararamdamang sakitSa akin ay kaibigan lang ang tingin mo
Ngunit kuntento na ako sa kung anong meron tayo
Kahit na hindi ako ang tinitibok ng puso mo
Masaya ako dahil wala akong tinatapakang tao
YOU ARE READING
POEMS [Collection]
Poetry🐱, :: These poems were already posted on my writer account (rpa). So don't be shock anymore if some of them may familiar to you. :: All photos in this book aren't mine. They are all from Pinterest. Credits goes to the real owner. All rights reserve...