“NAGBAGO”
✍️: LadyAilourosMay bumabagabag ba sa ‘yo?
May gumugulo ba sa isipan mo?
Mga kilos mo'y biglang nag-iba
Tila ika'y nagbago naMay nagawa ba akong kasalanan?
Sa akin tila ika'y wala ng pakialam
May dapat ba akong malaman?
Sabihin mo lang at ika'y aking pakikingganSa bawat oras na lumipas
Ramdam ko ang 'yong pag-iwas
Hindi mapigilang itanong sa sarili
May nagawa ba akong pagkakamali?Hinarap at tinanong kita
Inamin mong may mahal ka ng iba
Isipan ay biglang nablangko
Iyon pala ang rason kaya ka nagbago
YOU ARE READING
POEMS [Collection]
Poetry🐱, :: These poems were already posted on my writer account (rpa). So don't be shock anymore if some of them may familiar to you. :: All photos in this book aren't mine. They are all from Pinterest. Credits goes to the real owner. All rights reserve...