[003] PAANO?

4 1 0
                                    

"PAANO?"
✍️: LadyAilouros

Paano kita makakalimutan,
kung pagmamahal ko sayo'y wala na yatang katapusan?
Paano kita mapapalitan,
kung ang puso ko'y ayaw kang pakawalan?
Isipan ay naguguluhan
Hindi alam kung ano ang tatahaking daan

Nang ako'y bitawan mo,
Naisip mo man lang ba kung ano'ng mararamdam ko?
Nang pinili mo siya,
Patunay ba 'yon na mas masaya ka sa kaniya?
Nang lumayo ka,
Sumagi man lang ba sa isip mo ang mga pinagsamahan nating dalawa?

Nangungulila sa malambing mong boses
Sa halik mong walang kasing-tamis
Pagmamahal na sabay nating ibinurda
Tuluyan mo na bang ibabasura?

Babalik ka pa ba, mahal ko?
Kasi kahit masakit, umaasa parin ako
Naguguluhan kung anong susundin ko
Ang utak ba o ang puso ko

Paanong umabot tayo sa puntong ito?
Paanong ako'y binitawan mo?
Paano na ang pag-ibig ko?
Mahal, paano na ako?

POEMS [Collection]Where stories live. Discover now