Chapter 2

8 0 0
                                        

Chapter 2

Questions

Naguguluhan ako sa mga nakikita ko ngayon sa aking paligid. Una sa lahat, alam kong nasa lugar ako na pamilyar sa akin, hindi ko masiyadong matandaan ngunit alam kong napadpad na ako rito. Pangalawa, ako'y naguguluhan sapagkat napaka-weird ng nangyayari. Walang tao sa kalsada. O baka naman, nababaliw na ako kaya't hindi ko sila nakikita?

But I know I'm not insane. There's a human standing right in front of me. Nakakatakot siya. Kanina pa nangangatog ang aking mga binti dahil kanina pa masama ang tingin niya sa akin. Ano bang problema niya? Bakit ba parang kasalanan ko pa na napunta 'ko rito?

"Look, 'wag na tayong magtitigan. Just answer my questions, nasaan ba kasi ako?" I surrendered. Parang nagpapataasan kaming pride kung sino ba ang simulang magsasalita.

"I already told you. You are in a place that you weren't supposed to be."

Umirap ako. "You already answered that. Bigyan mo naman ako ng specific na sagot."

"You are in a road. Happy now?" aniya.

Umirap muli ako. "Alam kong nasa kalsada ako. I'm asking kung anong tawag sa lugar na ito, kung saang parte ba ng mundo ako napadpad."

"You are still in your country."

"Which place?" I asked.

Tumingin lang siya sa akin at hindi ako sinagot.

"Putang ina."

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" I yelled.

Hindi pa rin siya sumagot kaya't kinwelyuhan ko siya. Lecheng lalaking 'to! Ano ba ang dapat kong gawin upang sumagot siya?

"Your favorite place together with your Dad. You came here on your 10th birthday and you suffered from an ankle injury because you fall in a giant slide," he said.

Napakurap ako. Now, I remember. Muli kong inikot ang mata ko sa paligid. May isang building na nakalagay sa karatula na "Happy Dream Land", it's a place where there are a lots of slides, toys, trampoline, balls, and everything that makes a child happy.

Nagpunta kami ni Daddy dito noong 10th birthday ko. It was just the two of us because Mom was busy taking care of Skye back then. Malayo ito sa bahay namin at labas pa ito ng siyudad. Dad and I decided to road trip and he introduced me to this place which it turned to be my favorite place.

There was this giant blue slide and you'll land on a soft spot with a lots of teddy bears in it. Nang nag-slide ako, napahinto ako bigla sa gitna dahil may nakahintong bata pa sa ilalim. And just a few seconds, I found myself in pain when a kid pushed me at nahulog ako sa ilalim. It was a pretty bad fall. It caused an ankle injury for months.

Pero naging paborito ko pa rin ang lugar na 'yon. Because Dad bought me there and it made me happy.

"Paano mo alam?" I said.

He shrugged. "I don't know. Just a guess."

Tumawa ako. "A guess, huh? Napakagaling mo naman pala at nahulaan mo."

"I know."

Lumapit ako nang lumapit sa kaniya. There's something wrong with this guy. I can sense it. Hindi siya umalis sa puwesto niya at nanatili lamang nandoon. Hindi siya nailang nang lumapit ang mukha ko sa kaniya. He's taller than me. Ang mukha ko ay nasa bandang leeg lang niya kaya't tumingala ako.

"Hindi mo ako maloloko. Sino ka? Isa ka bang tao? Bakit mo alam ang nangyari noon?" sunod-sunod kong tanong.

"I told you, nanghula lang ako."

I chuckled. "What are you then? A psychic?"

Ngayon ay siya naman ang tumawa. "You think so?"

Argh! I'm getting annoyed! This man right here is getting on my nerves! Ang hilig niyang mang-inis. Nacu-curious na ako sa mga nangyayari at siya ay parang tuwang-tuwa pa.

"Bakit ba ayaw mong sabihin?"

"Kasi ayaw ko."

"So, you are admitting that you didn't guess it?"

He smirked. "No. My answer's still the same."

"Sabihin mo na kasi." I puppy eyed to him.

"No."

"Please?" it's almost a beg and it hurts my pride.

"No, Brea."

Lumaki ang mata ko. "How did you know my nickname?"

"Uh? Kasi pangalan mo 'yon?" naguguluhan niyang sinabi.

"No, you supposed to call me on my first name basis, which is Celeste. People call me that when I'm meeting them for the first time."

He sighed. "It's that big deal? I want to call you Brea, is that bad?"

Hindi ako sumagot. Kailangan ko pa siyang mahuli. I need to ask him more questions. I need to commit my satisfaction. Hindi pupwedeng makawala ang lalaking 'to sa akin.

"Bakit ba gusto mong malaman? Why is this so big deal to you?" tanong niya.

Natahimik ako. Bakit ba gusto kong malaman? It won't hurt right kapag nalaman ko kung bakit nandito ako? Naguguluhan lang naman ako at kailangan ko ng kasagutan.

"Hindi ba weird sa 'yo ang mga nangyayari? Kasi ako, kanina pa naguguluhan at ayaw mo namang sagutin ng maayos ang tinatanong ko. I asked you questions but you answered me, indirectly," aniko.

Bumalik ang nakakatakot niyang mata. I can't tell any reaction from him. Pinaglaruan niya ang kwintas na may kulay green na pendant.

"Nagsinungaling ako sa 'yo nang sinabi kong hinulaan ko. That's the only thing I can say to you now. I can't answer your entire questions."

Tumango ako. He lied to me. Pero paano niya nalaman? Is he really a psychic? May powers ba siya? Is he a human?

Wait.

"Just one more question... are you a human?" tanong ko ulit.

Tumawa siya. Malakas na tawa. I can feel my cheeks heating up.

"Of course. I'm not an alien. I can talk to you, remember?" May ngisi pa rin sa kaniyang labi.

Umirap ako. Okay, fine. I just don't trust him. Sinabi niya ngang nagsinungaling siya sa akin kaya bakit ako magtitiwala sa kaniya?

"Just don't ever come back here again, Brea." Naging seryoso ulit siya. "I don't want you to be in danger. Just forget everything that happened here."

"Students that are here in the library, please take note that we will close in five minutes. Bring out your library card if you will check out any books and hand it to the librarian, thank you."

Nagising ako nang may nagsalita sa speaker. Nakatulog pala ako at ang librong binabasa ko ay nakabuklat pa rin hanggang ngayon. Nilagay ko sa aking bag ang libro at tumahak palabas ng library. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang isipin ang aking panaginip.

Was that a dream? It feels like real. Siguro ay panaginip nga dahil napaka-imposible naman ng mga naganap doon. Nang makapasok ako sa village namin ay hindi ko na inisip pa ang mga iyon.

Our Fleeting DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon