Chapter 5

2 0 0
                                    

Chapter 5

Lies

"We're here," ani Daddy.

"That was really long travel, can we eat muna? I'm hungry," sabi ni Skye na kagigising lang.

Nakamulat ako sa buong biyahe namin. I was thinking and drawing conclusions at the same time. I don't wanna think about the possible outcomes because it's all impossible. It's just a dream. It can't be real.

"Sige, Skye. Where do you want to eat?" tanong muli ni Daddy.

Umiling si Skye. "I don't know. This place isn't familiar to me."

Umirap ako. "So bossy, Skye."

Umirap din siya. "I'm telling the truth, I'm not bossy."

Tumawa si Mommy. "Tama na nga kayo! Let's just eat in a nearby restaurant. Hon, it's just five minutes drive from here, according to the map."

Dad nodded. Kagaya nga ng sinabi ni Mommy, the restaurant is just five minutes away. Katabi ito ng isang gas station na hinahanap ni Daddy kanina pa upang mag-fill ng gas.

Dalawang oras kasi ang tinagal papunta rito. Sabi ng mga napagtanungan namin, probinsya na raw pala itong lugar na 'to. Bumaba kami ng sasakyan at tumungo sa restaurant.

Pagpasok sa restaurant, kami pa lamang ang natatanging costumer. May mga natutulog na waiter sa counter tila ba'y naghihintay ng mga kakain.

"Table for four, please."

Iginayak kami ng isang lalaki sa dulong bahagi. Ang pader ay gawa sa brick stone, ang pintura ay pinaghalong brown at gold. May malaking chandelier din sa itaas at malaking electric fan.

This place is kinda vintage. Tago kasi ito kaya hindi gaanong napupuntahan.

"What do you want, Brea?" Daddy said.

Tumingin ako sa menu at nakitang puro Filipino cuisine pala ang nandoon. Their best seller is kare-kare and lechon kawali. We haven't ordered yet but this makes my tummy excited.

"I'll just have their best seller, Dad, and pineapple juice, please," sagot ko.

"Okay. How about you, Skye?"

Skye's face is confused. He doesn't like real foods, he's more like a pizza and fries guy.

"Is there a fried chicken? I'll just have that."

Tinawag na ni Daddy ang waiter para ibigay ang aming mga orders. Mga fifteen minutes pa raw ang itatagal bago i-serve ang mga pagkain.

"Dad, can you tell me more?" aniko.

"About what?"

"Iyong nangyari sa Happy Dream Land, what's really the reason why I fell?"

He sighed. "I don't actually know. The case was already done and came up with a conclusion na baka nadulas ka lang o hindi mo natingnan ang dadaanan mo, that's why you fell."

That made me unhappy. Did they really believe that? Did the police not even think if someone pushed me? Pinaniwalaan na lang ba nila na ang isang musmos na bata sa kaniyang kaarawan ay nadulas at naging lampa kaya't ayon ang naging dahilan ng pagkahulog niya?

"That's really long time ago, Brea. It's been a decade since that incident and I can't remember all of the things that happened," dagdag ni Dad.

Tumango ako. Okay, I give up. Dad's right, I can't complain anymore since that was before.

"Why are you asking ba, Brea?" tanong ni Mommy. "I've never seen you curios about things."

I shook my head. There's no way I would tell them what's on my mind. They might think I'm a weirdo or psychopath.

"No, Mom, I'm just asking. Napapansin ko lang kasi lately itong peklat kaya med'yo na-curious ako, hehe."

The food was served and we ate. Nagpahinga lang kami saglit before heading back to the main place. Si Skye at Mommy ay pumuntang museum, habang kami ni Dad ay pumasok sa loob ng Happy Dream Land.

"Fuck, it looks exactly the same as my dream," I whispered to myself.

Parang nananaginip ako ng nakamulat. The slides, the teddy bears, the trampolines are all there. This is just a coincidence, right? My thoughts are impossible.

"Wow, this place never changed!" ani Dad sa tabi ko.

Naglakad ako pa-ikot sa malaking slide. I think, this is the slide where I fell and hurt my ankle. Mukha akong tangang umiikot at sinusukat ang laki at tangkad ng slide.

"Ano nga palang gagawin mo rito, Brea?"

"I'm gonna take pictures of this place for my project," palusot ko.

I'm so sorry, I've been telling lies many times these days.

"Okay. Just text me kapag tapos ka na, pupunta akong museum."

Tumango ako at nilabas ang aking camera. Hindi ko alam ang gagawin ko rito dahil nakita ko na ang lugar sa personal. All I want was to see this in person and then, leave.

Naiihi pa ako kaya pumunta muna akong comfort room. My hands are sticky and dry so I went to the sink and washed it. Habang hinuhugasan ko ang kamay ko, bumukas ang pintuan sa isang cubicle sa dulo at niluwa nito ang isang babae.

The woman is wearing a black mask, her hair is in a messy bun, she has a scarf all over her face, and has muddy shoes. Napansin niya sigurong pinagmamasdan ko siya kaya't tumikhim siya.

Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ko ng kamay at hindi na muli siyang tiningnan. Lumapit din siya sa sink at naghugas ng kamay doon. I can see through the glass' vision that she's staring at me.

"Ineng, ilang taon ka na?" tanong niya na ikinabigla ko.

Tumingin ako sa kaniya. Bakit niya tinatanong? Judging from her face, she looks like on her mid-fifties, she has freckles and wrinkled skin.

"Mag-nineteen na po ako," sagot ko.

Tama ba 'to na sinagot ko siya? I mean, not to judge but she's a total stranger to me! Brea naman, eh!

"Gusto mo magpahula?"

Umiling ako. "Hindi po."

Kinuha ko ang maliit kong bag at naglakad palabas ng comfort room. Hinila ng matanda ang kamay ko kaya't hindi ako naka-alpas.

"Ineng, saglit lamang ito," pagpupumilit niya.

"Lola, mawalang galang na po, pero ayaw ko po talagang magpahula."

"May nalalaman ako tungkol sa buhay mo," she said, suddenly.

Kinutuban ako. Hindi ako naniniwala sa manghuhula at hindi ako lalong maniniwala sa sinabi niya. Paanong may alam siya sa buhay ko? Ngayon niya lamang ako nakilala at ni-hindi niya alam ang pangalan ko.

"Lola, aalis na po ako." Hinawakan niya ang palad ko.

"Hindi mo tunay na ama ang nagpalaki sa 'yo," aniya. 

Natigilan ako sa sinabi ng matanda. Nagpa-ulit-ulit iyon sa utak ko at parang nabuhusan ako ng kumukulong tubig.

Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi niya p'wedeng sabihin ito sa akin dahil hindi niya naman ako kilala! My Dad is my Dad. Austin Ramos is my father.

"Hindi po totoo 'yang sinasabi niyo! Umalis na po kayo!" sigaw ko.

Ngumiti siya. "Nagsisinungaling sila sa 'yo, Brea."

Paano niya alam ang pangalan ko? Paano? Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, nagsalita siya ng kung ano na biglang nagpatigil sa akin.

Our Fleeting DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon