Chapter 3
Dream is a dream
"Ate Brea!" sigaw ni Skye at pumasok ng kwarto ko.
"What?" iritado kong sabi at tinanggal ang headset sa aking tainga.
Humiga siya sa aking kama. Dala-dala niya ang kanyang Nintendo at naglalaro roon. Kanina pa ako nakatambay dito sa aking kwarto dahil sa napakaraming gawain na binigay sa amin. I need to push myself doing all these school stuff since I will graduate soon. At sa college ulit ako iiyak at lalaban.
"You promised me that you will do my math homework," aniya nang hindi pa rin tumitingin sa akin at nakatitig pa rin sa screen ng kaniyang Nintendo switch.
Umirap ako. "Did I? Sa pagkakaalala ko, tuturuan lang kita. I won't do your homework."
"Talaga? I can't remember it, but I do remember you saying that you will answer it." Tumingin na siya sa akin at tumawa sa iritado kong mukha.
"Sarap mo talagang inisin, ate!" Tumawa pa siya. "Oo na, I will just listen."
Muli na naman akong umirap. Leche talaga 'tong batang 'to! Puro kasi laro nang laro ang inaatupag kaya napapabayaan ang pag-aaral. Nagmana ako ng katalinuhan kay Mommy at Daddy pero hindi ko alam saan nagmana itong kapatid ko.
Nagligpit ako ng gamit at inilagay iyon muli sa aking bag. I don't know if I should continue this later dahil matatagalan na naman ako sa pagtuturo kay Skye. He always loves to listen to me while playing mobile games at sa huli, pa-ulit-ulit kami sa topic.
"Ano bang content 'yan?" tanong ko at tumabi sa kaniya sa kama.
Nagkibit-balikat siya. I sighed. Wala talagang pag-asa 'to.
"Something with quadratic, I think."
"Quadratic equation?"
"Yes! That equation thing!" aniya.
This is just so basic. Hindi lang siguro ito nakikinig sa klase niya kaya hindi niya maintindihan. Kinuha ko ang notebook niya at nag-scan sa pages. Grabe, every page ng notebook ni Skye ay puro drawing na kung ano-ano na napakasagwa sa mata, isama mo na rin ang parang kalayod ng manok na sulat niya.
"Your penmanship sucks," I said.
"Thanks for the compliment, sis," he said and winked.
Inilabas ko ang nakakadiring reaksyon. Tiningnan ko ang bawat examples sa kaniyang kuwaderno at sinagutan ang mga iyon.
"This is just so basic, Skye. Try to listen to your teacher sometimes."
"Madali pala, ate, edi ikaw na magsagot." He then laughed.
Binatukan ko siya.
"Aray! Sorry na! Joke lang naman."
Kinuha ko bigla ang Nintendo niya at pinagbantaan siyang itatapon ko ito kapag hindi siya nagseryoso sa pakikinig. Natapos kami ng mahigit isang oras dahil tinuruan ko pa siya sa iba niyang subject.
"Thanks, Ate Brea," aniya at hinalikan ako sa pisngi.
"May bayad 'yan."
Tumawa lang siya at aambang tatayo na para umalis ngunit pinigilan ko siya. I don't know why my mind needs to clarify things.
"I need to ask you something," wika ko.
Kumunot ang kaniyang noo. "Ano?"
"Do you even had a dream that you think it was real?"
"Oo, ate," sagot niya.
"What is it?" curious kong tanong.
"Sa tuwing napapanaginipan ko 'yung crush ko, feeling ko talaga totoo 'yon."
Sumimangot ako. "Not that one! For example, when you dreamed about fantasy world or alternate universe, you think those are real?"
He chuckled. "No! Those are just fiction, why would it be true? Taas naman ng imagination mo, ate."
"Never mind."
May kumatok sa pintuan at pumasok si Mommy. "Baba na kayo mga anak, kakain na. Your Daddy is here na."
Tumango kami ni Skye. Sumunod siya kay Mommy sa pag-alis, habang ako naman ay nanatili sa aking kwarto at nag-isip isip.
I'm just overreacting. None of those are real. Skye is right, that's just purely fiction. It just happens in books with science-fiction and fantasy genre.
Bumaba na ako pagkatapos at nakita ko silang naghahain ng pagkain sa hapag. Nakita ko si Dad na naglalagay ng tubig sa pitsel kaya't lumapit ako sa kaniya.
"Good evening, Daddy!" I greeted him and kissed him on the right cheek.
"Good evening, my Celeste." He did also the same.
Umupo kami sa hapag at nagdasal upang magpasalamat. Pagkatapos ay nagsimula kaming kumain. We talked about certain topics and the table is full of laughs.
"Dad, do you remember my 10th birthday? Noong pumunta tayo sa isang indoor playground and I had my ankle injury there?" panimula kong tanong.
Tumango siya. "Yes, I still remember that, it was like ages ago. You had a pretty bad wound that day, your Mom scolded me a lot." Tumawa siya. "Bakit mo natanong?"
"I just reminisced it. Bukas pa rin po ba iyon? Why don't we visit it?"
"Okay. We'll visit it this Saturday. I haven't had a break and it is my chance to spend it there," aniya.
"Sama ako," ani Skye.
Tumawa ako. "Ang tanda mo na."
"Wow, nagsalita ang magni-nineteenth years-old na at gusto pa rin maglaro sa playground."
Umirap ako sa kaniya. Med'yo natamaan ako roon.
Tumawa sina Mommy at Daddy. "'Wag na kayong magtalo, let's us all bond together."
Pagkatapos naming kumain ay ako ang naatasang magligpit ng pinagkainan. Nang matapos ako roon ay agad akong umakyat sa itaas dahil sa pagod.
"Daddy, what will we do today? I'm finally ten years-old! I'm a teenager!"
Tumawa ang isang nakasalamin na lalaki. "Brea, you are still a child. You're still my baby, and you're not a teenager yet."
Napatingin ako bigla sa gulat. Bakit niya tinawag na 'Brea' ang batang babae? No way...
"Nasaan ako?" bulong ko sa aking sarili.
Lumingon ako sa paligid at nakita ang mga sasakyan na umaandar sa gitna ng trapiko. This man with a glasses is my Dad, and that little girl is me.
What in the actual fuck is happening?
"Dad, where we going? I'm excited!" tanong ulit ng batang Brea.
"Just wait and see, Brea." Ngumiti si Daddy.
Can they hear me? Can they see me? Bakit parang hindi nila ako napapansin at nakatingin lamang sila sa daan?
"Dad," I called him.
"We're here, Brea!" Akala ko ay narinig niya ako ngunit kinakausap niya pala ang isa kong bersyon.
"Daddy! What's this place?" Bumaba sila sa sasakyan at bumaba na rin ako.
"Let's go inside and you'll see it."
Tumingala ako sa itaas at nakita ang karatulang, "Happy Dream Land". Ilang beses pa akong kumurap-kurap at tila ba'y hindi naniniwala sa aking nakikita.
This is just a joke, isn't it?

BINABASA MO ANG
Our Fleeting Dreams
Science FictionCeleste Brea Ramos is dreaming about the same man everytime she sleeps. Sa lahat ng napanaginipan niya, tila ba't palaging bumabalik iyon sa lalaking nasa kabilang mundo. She was confused. She was frightened. She's searching for answers. Pero isa la...