Chapter 6
Name
Hindi p'wedeng totoo ang sinabi noong manghuhulang matanda. Hindi niya p'wedeng sabihin sa akin na hindi ko tunay na ama si Daddy. Hindi niya ako kilala, at mas lalong wala siyang alam sa buhay ko.
Austin Ramos is my father. My only father. Si Daddy lamang ang kinilala kong ama at siya lamang ang magiging ama ko habang buhay. That woman can't control my life, she's just a psychic and I know the truth.
Bakit niya rin sasabihin na nagsisinungaling sila sa akin? My parents never told me to lie, it's a sin that I must avoid. Pero hindi ko maiwasang magsinungaling sa kanila. Ako dapat ang sisihin ng matanda na nagsisinungaling at hindi ang nagbigay ng buhay sa akin.
"Sir, where's the exit?" tanong ko sa lalaking nakatayo. Med'yo nahihilo nga ako kaya't blurry ang paligid.
"Really, sir? Do I look like that?" aniya.
Kinilabutan ako sa boses. Familiar itong boses na 'to sa akin at parang narinig ko na ito dati.
"Ano ba dapat?" inis kong sambit. "Pakisabi na sa 'kin, please, hinahanap na nila siguro ako."
"Aren't you aware where are you now?"
Kahit blurry at nahihilo ako, tiningnan ko ang paligid. Napagtanto kong wala na pala ako sa Happy Dream Land at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. I looked at the man that is standing right in front of me, wearing his black shirt and a simple jeans.
"What the hell? Where am I?"
Hindi ko na nakayanan pa ang hilo kaya't bumuwal ako. Akala ko ay mahuhulog na ako sa lupa ngunit sinapo niya ako. Bakit ba kasi ang blurry ng paligid at inaantok ako? Hindi ko rin maalala ang huling nangyari sa amin nung matanda.
"Hey, you okay?" Inalalayan niya ako sa pagtayo.
"I'm okay, med'yo nahihilo lang."
"You smell like venenum," aniya.
Kumunot ang noo ko. Anong venenum?
"Ha? Anong venenum pinagsasabi mo."
Inamoy niya ulit ang damit ko. "Venenum is used to poison people and hallucinate them."
"What do you mean? I've been poisoned?" nagpapanic kong saad.
He smirked. "If you were been poisoned then you're not standing right in front of me now."
Umirap ako.
"I guess, someone hallucinated you."
"Paano mo naman nasabi? And where did you get that term? Never heard of that."
"Don't ask personal question."
Umirap muli ako. "Arte mo naman!"
"Hah!" he mocked me. "Ako pa maarte?"
"Yes, ikaw!"
I walked away because I'm pissed. Nandito na naman pala ako sa mundong kung saan ay kami lang. Hindi ko alam kung epekto lang 'to ng kulang ko sa tulog kaya't nag-iimagine ako ng kung ano-ano.
Idagdag pa natin ang sinabi sa akin ng matandang manghuhula. Kahit na hindi ako naniniwala sa sinabi niya at mas lalong wala akong balak paniwalaan iyon, binubulabog pa rin iyon ng isipan ko.
"Bakit ba kasi ang kulit mo?"
Lumingon ako sa kaniya at sumibangot. "Ako pa makulit?"

BINABASA MO ANG
Our Fleeting Dreams
Science FictionCeleste Brea Ramos is dreaming about the same man everytime she sleeps. Sa lahat ng napanaginipan niya, tila ba't palaging bumabalik iyon sa lalaking nasa kabilang mundo. She was confused. She was frightened. She's searching for answers. Pero isa la...