SYLENE'S POINT OF VIEW
Lunes ngayon it means may pasok na naman, alangan wala. I am currently standing under a tree sa entrance ng school. Umagang-umaga palang pero parang priniprito ka na sa init.
Kasalukuyan akong nakatira ngayon sa Auffla City sa bahaging south dahil nakatayo ang minsan lang kumuha ng students na school. Pero marami pa rin ang studyante.
DAUNTLESS HIGH. Yan, ganyan kaikli ang pangalan nitong school. Sabi sa information about dito ay binabase raw nito kung gaano ka katalino at kung hanggang saan o ano ang special magic mo, ganun.
Five years nadin ang lumipas ng pumasok ako dito. Mapilit kasi ang Tita ko. Nakamamangha naman talaga ang loob nito. Lalo na sa mga bagong mukha at kakayahan ng ibang students. Ewan ko na lang sa mga room nila.
Pero isang-isa lang talaga ang kinaiinisan ko dito kaya ayaw kong mag-register dito before. Kesyo yung may mahihinang abilities na parang pang side kick sa mga hero ay hindi pwedeng makaapak sa main ng school. Ang ganda-ganda kaya doon, hanggang tingin na lamang kami. Pang sa council at royals lang daw kasi iyon. Minsan sila din yung nabubully. Ewan ko baga.
Halos half percent of the students here ay hindi pa nakaka-alis dahil mahirap maka-graduate dito. Eh council o royal ang makakalaban mo. Mas gugustuhin ko na lang na mag-aral dito habang buhay. Charot.
Ang Council ang gumagawa ng batas pero ang Royal ang nag-aaprove kung makakabuti ito. Hindi naman yung royal na isang anak ng king and queen kundi mga high ability users. Di'ba back out ka na agad lalo na kung di ka pa handa at walang ibubuga.
Example: Kapag may nanghamon sayo and isa kang royal then natalo ka. Pwede ka ng lumayas at yung nakatalo sayo ang papalit na royal member. Ganun!
Yung may mga rank ang Royal, hindi yung inumin na orange. Ang sabi nila ay wala pang nakakatalo sa kanilang lahat simula nung pumasok sila seven years ago. Pero pake ko ba sa kanila. May sarili akong buhay che!
Goal ko lamang dito ay mag-aral, malamang. Alangan tumulala. May sarili akong attribute na kelangan talaga pag-aralan. Baka bumangon sa hukay sina mama at papa at habulin ako ng hanger.
" *sigh* Isang araw na naman ng pagtitimpi " nasambit ko at napatingin sa gilid ko.
" Good Morning! " Shaun with his brightest smile. Ang sarap ngumite, parang gusto ko siyang sapakin.
" Good morning den " bati ko sa kanya at napangiti na lang. Umakbay ako sa kanya at pati rin siya sa akin then naglakad kami ng sabay.
Daily routine itong ginagawa namin tuwing papasok sa umaga. Ang weird nga eh. Pero lalo itong weird kung nandito si...
" Hoy! Ang daya nyong dalawa, paakbay den! " at nakiakbay na nga ang tinutukoy ko. Si Jayce...
Shaun Wislon Del Mundo at Jayce Wynn Alvarez. Ang dalawa kong naging kaibigan na weird.
Apo ng General ng mga knights sa Taria itong si Shaun. Ang alam ko ay kaya niyang mang hypnotize pero never daw niyang ginamit iyon. While Jayce isa an electricity wielder. Lagi yang mabilis.
Pinagtitinginan kami ng ibang students. Pano ba naman. Nakahara kami sa hallway. Pero kami, eto napapatawa na lang at nagpaunahan sa pagpasok sa room. Aamini ko naman na happy ako sa bawat araw na kasama at dinadamayan ako nitong dalawa.
YOU ARE READING
Section M
Fantasy- Re-edit- Section M has been a really mysterious class with very rare students with their own abilities. Others can't help to be afraid of what they can do. They fear being attached to them, to be seen of them. And that's why many also are jealous...