X-The Revelation

7 0 0
                                    

=--KENNETH’S POV--=

------ Hirap talaga ‘pag manhid ang taong mahal mo nuh? kahit aning pilit mo sa sarili mo ay hindi niya pa rin makita o maramdaman ang pag-ibig mo. Ganyan ang naramdaman ko kay Lory. For our 7 years of being friends hanggang ngayon hindi niya pa rin nararamdaman ang pag-ibig ko sa kanya. Lahat ng Charm ko ginamit ko na, pero wala pa ring epekto eh. Tinangka kong magtapat isang beses pero naunahan na ‘ko. Naunahan na’ko ng pinsan ko. Grabe talaga tong kaibigan kong ‘to. Kung hindi ko lang siya mahal baka iniwan ko na ‘to. Akala ko nga effective ‘yung pagpapakilala ko sa kanya ng iba’t-ibang girls eh kaso mali ako mas lalo tuloy syang lumayo sa’kin.

One day, nakakapagtaka ang pinsan kong si Darren. Kinakabahan siya at parang ewan. Parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi basta niyaya nya na lang ako na pumunta sa corridor. Ewan ko rin sa sarili ko pero sumama na lang din ako. Ang ewan dun sa loob ng corridor ang dilim. Basta ‘yun na ‘yon. Ang ‘diga’ ng pinsan ko, iniwan ako sa loob ng corridor. Few minutes may biglang nagtanong.

“May tao ba dyan?”

------ Medyo natakot din ako nun kasi may biglang gumalaw sa dim place ng corridor…

         May bigla ring umahol at ginaya ko sya just to make fun.

         After that may napansin akong nadapa. Nilapitan ko sya agad at kinabahan ako ng medyo kasi baka natakot ko sya. Buti na lang ok sya pero ‘yung kamay nya hindi. Bumaon kasi and dalawang thumbtacks sa wrist niya, buti na lang may alamako medyo sa Human Anatomy at alam ko kung paano dapat tanggalin ‘yung bagay na nakabaon sa isang maugat na lugar ng katawan. Doktor kasi ang tatay ko at kahit naman mukha akong walang alam nuh ay may ibubuga rin ako pagdating sa mga ganyang bagay. Feeling ko mag-e-enjoy ako sa company ng babaeng ‘to, kaya nagkwento na lang ako ng nagkwento to make ourselves won’t feel awkward. From then, mas madalas na kaming nagkikita. Marami akong nalaman sa kanya lalo na sa feeling niya sa pinsan kong si Darren dahil lagi itong kinukwento ng bestfriend nya sa’kin. Actually hindi ako kilala ng bestfriend nya personally pero nakukuha ko ang mga information na’to through facebook chatting!! Then iba din naman name ko sa facebook nuh. Until nalaman na ni Helen na pinsan ko si Darren then I tell her na lang about my plan to act like we’re couple. Akala ko hindi siya papayag but at the end pumayag naman sya. Akala ko nga magiging effective ‘yung pagpapanggap naming, hindi pala, mas lalo pa tuloy silang nagtagal ni Darren. Hay naku! Pag-ibig nga naman!!! Siguro nga time na to Give up!!

**BACK TO HELEN’S POV**

“Helen…..”

----- Heto na naman ang bestfriend kong naka-megaphone lagi pero mahal ko ‘to…

“Oh Bakit?”

“May nasagap akong balita.”

“Balita?”

“Ngayon daw ‘yung flight ni Darren at Lory.”

“Ha? Sa’n ang punta nila?”

“Sa States daw eh!”

“Ano daw ba oras ng flight nila?”

“7:30 ‘ata or 8:30, basta may 30.”

------ Napatingin ako sa wrist watch ko at exactly 7:00 na!! Kahit naman habulin ko sila ngayon hindi na’ko aabot eh kasi sobrang layo ng NAIA dito sa school naming at may traffic pa.

“Hindi mo ba sila hahabulin?”, tanong ni Yna sa ‘kin.

“What for?”

“Mahal ka nya!”

“Ha?”

“Sinabi sa’kin ni Lory lahat kagabi”

“Anong lahat?”

“Na nagpapanggap lang din sila tulad niyo.”

“Ha?”

“Paulit-ulit ka naman eh!!”

“Pero ‘di nga?!”

“Oo nga, hindi talaga sila. Kunwari lang din ang lahat. Sasabihin ko nga rin sa kanya eh na kunwari lang din ‘yung sa inyo pero tinulugan nya ‘ko so hindi ko nagawa.”

“ Sige na! Umalis ka na!”, dagdag pa niya.

----- Nakakahingas pala tumakbo pero buti na lang hindi masyadong ma-traffic pero umabot nga ba ako? If hindi, siguro nga no need of striving na lang siguro . Giving up is more applicable.

                                                                                                                                                 ------->

When Two Stories CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon