*AND THE STORY GOES ON*
------ Ang saya nya kausap!! Hindi ko tuloy namalayan na gumagabi na pala.”
“ Sorry ha, but I have to go!”
“ Hindi. Sorry. Kung hindi kita tinakot edi sana hindi ka nasugatan.”
“Ok lang ‘yun nakabawi ka naman agad eh!”
“hehe!! “ :D
----- Ang cute nyang ngumiti nakakalaglag panty naman ‘to.
“Gusto mo hatid na kita?”
“ No, I’m fine.”
“Baka kasi mahilo ka. May sugat ka kasi.”
“Don’t mind me… Malayong-malayo ‘to sa bituka.”
“Sige , ingat na lang.”
------ Grabe, parang nawala ako sa mundo nung kasama ko siya. Anjae ko!!! Naku, nakalimutan ko itanong anong section siya. Pero ok lang ‘yun, mukhang hindi na rin naman kami magkikita ulit eh! ‘Di ba nga sabi niya hindi siya masyadong lumalabas sa classroom nila…
Pero grabe talaga!! Nung kasama ko siya kahit 1 second hindi ko naisip si Darren!! Kanina nakaka-palaka ang pakiramdam ko, ngayon naman nakaka-paniki, hindi kasi ako makatulog sa kakaisip kay Kenneth.
Bukas na nga lang ulit!!!
------->