Maria's Point Of View
"Hello,everyone.My name is Teacher Maria Katrina Baun...at ngayong araw may kwento tayong tatalakayin..."
----------------------------------------------------------------
"Make a short poem about sadness."Sambit ng aming guro sa Ingles."Deadline next week.It can be something in your life that you're sad about,it can be a definition.Anything."
"Naiintindihan ba?"
Tumango kaming lahat."Opo."
Pagkalisan ng aming guro nakita ko ang pagtingin nila sa gawi ko."Bakit hindi kita nakitang tumango kanina?Hindi mo ba naiintindihan sinabi ni Ma'am?"Tanong ng kaklase kong babae.
Nanatili na lamang ang paningin ko sa papel na nasa desk at hindi na siya nilingon.
Masama ang pumatol.
"Naging pipi ka na rin ngayon,bobo?"
Nakatayo na siya ngayon at nasa harap ko.Walang masyadong pumapansin saamin dahil busy rin sila sa pagkekwentuhan.
Nang hindi ako sumagot ay naramdaman ko na lamang ang mga kamay niya na tinabig ang tuktok ng ulo ko.Narinig ko ang pagtawa nito."Ano ka ngayon,ha?Ang lakas mong sagut-sagutin ako nung nakaraan.Natakot ka na ba?"
Ramdam ko ang pagyupi ng aking mga kamao.
Lumapit siya malapit sa tainga ko at bumulong."Kilalanin mo ang binabangga mo.Anak ako ng Mayor.Ikaw?Anak ka lang ng labandera."Hindi ko na siya pinatapos sa sinabi niya at malakas siyang tinulak hanggang mapunta sa semento.
"Atleast ako anak ako ng marangal na labandera,eh ikaw?Anak ka ng isang Mayor na corrupt!"Napalakas ang aking sigaw kaya napunta ang atensyon saamin at lalo na sa babaeng nasa semento pa rin.
"Atleast hindi ako mamamatay na mahirap at ikaw!"Duro niya saakin."Sisiguraduhin kong mamatay ka ng mahirap pa rin."Banta niya sa akin.Binalot ako ng takot hindi para sa sarili ko kung hindi para sa aking Ina.Dahil alam kong kayang-kaya niyang gawin iyon pati ng pamilya niya lalo na't sila ang namumuno sa Bayan ng San Juan kung saan may mga basta-basta nalang nawala ng hindi nalalaman o walang dahilan.
Tinulungan siyang makatayo ng iba naming kaklase at pinanood ko lamang siya na kunin ang tumbler niyang may laman ng tubig at ibuhos ito sa mukha."'Yan!Nang maranasan mo naman ang maligo at bumango-bango 'yang mabantot mong pagkatao!"
Nagsitawanan ang mga kaklase ko at sabay-sabay nila akong kinantyawan."Mabantot!"
"Mariang Mabantot!"
"Yuck si Maria 'ha!"
"Kala niya naman mananalo siya kay Cass.Masyadong pa-jobee."
"Shh.Baka di pa nga siya nakakakain 'don e hahaha."
Napaupo ako sa pwesto at tinago ang mukha sa pamamagitan ng pagyuko sa desk ng upuan ko.Nakakahiya.Tanging mga halakhak at pangungutya lamang nila sa pangalan ko ang naging musika sa aking tainga.
Kagabi,halos sirain na ng mga tao ni Mayor Salvador ang gamit sa bahay namin.Pati ang bigas at ulam ay ipinagtatapon nila dahil lamang sa aksidenteng pagtapon ko ng juice sakanilang Unica Ija na akala mo pag-aari ang daan.
Nasaan ang katarungan roon?Wala na ba talaga kaming pag-asa?
Patuloy ang pagpiga ng aking puso at pagbasa ng aking mga mata.Nang dumating ang panibagong guro kahit tawagin ako ay hindi na ako lumingon at natawag na akong bastos kaagad.
"Napakabastos naman na bata.Wala kang modo nakita mong may guro sa harapan!Ipapatawag ko ang nanay mo."Kaagad niyang sabi saakin.Wala man lang bang magsasabi ng dahilan kung bakit ako ganito.Natakot ako sa sinabi niya at tinaas ang tingin na tanging irap lang ang natanggap ko.
YOU ARE READING
One Shots (COMPLETED)
Teen FictionThis one shots are filled with different topics with different genres.It's still on-going but i'm gonna update it once a week so stay tuned! This is also a preparation for my upcoming novels. Started: 08/27/22 Ended: 04/30/23 (Completed)