This will be the last chapter for this book. Thank you for sticking with me until the end. I will post more one shots but it will be on another book that I will be creating (that is more intense) So, stay tuned!
Kabanata 10
Zcharyn's Pov
What's life after a life?
Pagkatapos kong ipikit ang aking dalawang mata it was like a film where I saw different versions of me in all of these years. The moments of hardships then happiness and it will be a cycle after a cycle. You can't have a rainbow every time. You can't have the sun lighting up the whole time. You won't feel the sanctity of happiness if everyday there won't be challenges.
"Zcharian, makibili ka nga ng tinapay at palaman! Bilisan mo at nakakahiya sa mga bisita ko." Mabilis akong tumayo mula sa pag-aaral ng lecture at lumapit kay Tatay ng nakalahad ang kamay. Inabot niya sa akin ang pera at lumabas ako ng nakayuko ng madaanan ang kaniyang mga bisita.
"Si Zchari na ba 'yon, Pareng Timo? Napakalaki na pala e parang noon lang..."
Hindi ko na narinig ang susunod pang mga sinabi ng may tumawag sa akin. "Psst!" Napalingon ako sa aking tabi. Si Jahron. Ang aking matalik na kaaway. "Oh?" Pagsusungit ko.
"Saan ka pupunta?" Naka white shirt ito at ang pang ibaba ay nakauniform pa kahit ang bag niya ay suot pa at may hawak na bola sa kaniyang kamay.
"Pinapabili ako ni Tatay ng meryenda." Sagot ko at tinaasan siya ng kilay habang sinasabayan niya pa rin ako sa paglalakad.
"Okay.. sama ako." He said in a singsong voice.
Tumigil ako sa paglalakad at ganoon rin siya. Tinaas ko ang hintuturo. "Ikaw ah, tigilan mo nga ako! Diba sabi ko naman sa'yo hindi ako tumatanggap ng manliligaw."
Napakamot ito ng batok. "Alam ko naman 'yun.."
"Oh, ano itong ginagawa mo?"
"Sinasamahan ka."
"'Yun na nga e! Dati parang kailangan munang tumahol ng mga ibon para lang tumigil ka sa pamumusit at paninira ng araw ko, tapos ngayon?"
Lumapit ito. "Dati naman na 'yun. Past is past, diba? Umamin na nga ako e." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at tinaas ang kaniyang tingin habang kitang- kita ko naman ang repleksyon ng paglubog ng araw sakaniyang mata." Gusto kita, Zcharyn. Gustong- gusto."
Pero, hindi..
"Alam mo naman ang main goal ko sa buhay, Jahron?"
Tumango ito. "Oo," At binanggit ko ulit ito. "Ang maging kilalang- kilala na fashio---." Ngunit nagulat ako ng sumabay ito sa akin. "--Fashion Designer sa Pilipinas at Europa o kaya saan mang lupalop ng buong buong bansa."
"Oo, alam ko. Kaya, handa akong maghintay.." Hindi pa rin ako nagpatalo. "4th Year High School pa lang tayo, matagal pa bago ko makamit lahat ng gusto ko."
"Kaya kong maghintay.." He smiled. " Magpakailanman.." Napatawa ako rito at sa ilalim ng mala pulang kalangitan, maiingay na kapitbahay at mauusok na daanan ay nagpatalo ako. Tumango ako. "Sige, sabi mo, e."
Masaya namin tinahak ang daan patungk sa may kanto. Marami itong katabing tindahan at madalas ko ngang nakikita ang mag-ina na lalong nagtutulak sa akin na mag-aral.
"Pabili pong isang balot ng tinapay at tsaka po pakete ng cheezwiz." Sabi ko sa nagtitinda sabay bigay ng bayad. Madami pang inaasikask ito kaya nagkwentuhan muna kami ni Jahron. "Kilala mo si Terry, diba? Yung Senior natin." Tumango ako. "Sabi niya bakit daw hindi ko subukan magtry-out sa Basketball, naghahanap daw sila ng bagong members."
YOU ARE READING
One Shots (COMPLETED)
Teen FictionThis one shots are filled with different topics with different genres.It's still on-going but i'm gonna update it once a week so stay tuned! This is also a preparation for my upcoming novels. Started: 08/27/22 Ended: 04/30/23 (Completed)