Kabanata 09
Celine's Pov
"Eh, bobo ka pala. Wala naman akong ginagawa sayo ah!"
"Baka, ikaw! Hindi nga ako yun, bakit pinipilit mo?"
Napapikit ako kasabay ng pag-iling ng aking ulo dahil sa ginawang pagpapalitan ng salita nila Ferdie at ni Jeoff. Alam ko na kung saan ito mapupunta kaya inunahan ko na. Tumayo ako sa pagitan nila. Hinablot ko ang kanilang damit at inilapit sila sa pintuan. "Lumabas kayo kung ganiyan ang gagawin niyo. May nagtuturo sa harapan, saan ang respeto niyo?"
Yumuko si Jeoff pero si Ferdie ay nanatiling matalim ang tingin sa harapan niya. Hay! Araw- araw nalang, ganitong mga labanan ang hinaharap ko. Nakita kong lumalapit na ang teacher sa amin. Si Mr. Gonzales---- ang aming Math Teacher. Mukha itong istrikto ngunit napakalumanay ng kaniyang boses. " Nasa Grade 10 na kayo pero ganiyan pa 'rin ang kilos niyo. Gusto niyo bang sumunod sa mga kaklase niyo sa guidance?"
Napalingon ako sa mga kaklase ko. 40+ kami pero ngayon ay nasa mga 20 na lang dahil ang iba ay absent at karamihan ay nasa guidance. "Mas gusto ko na doon kesa naman dito." Pinanlakihan ko ng mata si Ferdie dahil sa sinabi nito. "Sir, I'm so----."
Humawak sa sentido si Mr. Gonzales. "Guidance now, Mr. Ferdie!"
Pumasok sa loob ng room si Ferdie at bitbit ang kaniyang bag ay tumigil siya sa harapan ni Mr. Gonzales at ngumiti. "Maraming salamat, Sir." Sabay kindat pa nito.
"Ahh! Magpapapalit na ako." Sabi ni Mr. Gonzales sabay alis sa aming room.
'Yan rin ang mga salitang binitawan ng ilan sa aming mga teacher at hindi na sila bumalik. Kilala ang aming section bilang 'Problematic Section'. Kung may mga section na halos lahat ng estudyante ay perpekto at nagkakaisa ibahin niyo ang sa amin, at ang pinakamalas sa lahat ay ako ang naging President nila.
Away dito, away doon. Ingay d'yan, ingay everywhere at padagdaag ng padagdag ang taon ay palala sila ng palala at hindi ko sila sinusukuan dahil may nakikita akong pag- asa.
Si Mrs. Salalila. Ang aming homeroom adviser.
Kapag siya na ang nagsalita, nakikinig ang lahat. Alam niyo kung bakit?
"Mag- ML tayo. Ilabas niyo lahat ng cellphone at maglalaro tayo." Narinig ko ang pagkatuwa ng lahat hanggang magsimula ng maglaro ang lahat. Ipinakita sa amin ni Ms. Salila ang kaniyang screen. At ginamit ang controller kaya gumalaw ang karakter. "Ang tawag diyan ay Locomotor."
Isa siyang morena at magandang babae. Ang edad nito ay nasa mid 30s. "Gawin niyo ang ginawa ko." At ginawa namin ito ng lahat. "Anong tawag d'yan?"
"Locomotor." Sagot naming lahat.
Hindi lang namin siya guro kung hindi isa ring kaibigan..
"Maglaro na kayo! Ang iba ay pwedeng magluto at mag-ayos dito. Pero huwag lalayo." Sabi ni Ma'am ng mag-picnic kami sa isang park. Halos lahat ng lalaki ay naglaro nga at dalawang lalaki lang ang natira. "Ma'am, gusto ko pong magluto. Balak ko po kasing maging Chef." Nakangiting saad ni Pocholo.
Napangiti si Ma'am. "Basta kahit anong gusto mong maging sa hinaharap, suportado kita."
Lumingon siya sa amin.
"Maniwala kayo sa sarili niyo."
Isa rin siyang nanay..
"Ngayon ay?" Tanong niya at magiliw kaming sumagot. "Bible Day!"
Tumayo kaming lahat at nilingon si Karylle-- ang aming gitarista. "1..2..3."
"God, I'm running for Your heart, I'm running for Your heart, Till I am a soul on fire." Pagsimula ni John at sumunod kami. "Mga bata, lagi niyong tandaan na magpasalamat kayo Sakaniya at ibigay o Ialay ang lahat Sakaniya. " Lagi niyang paalala sa amin.
Nung minsan ng matira ako sa room na naglilinis ay lumapit ito sa akin. "Celine, anak. Okay ka lang?"
Tumango ako. "Opo."
Hindi ako okay.. May kalungkutan sa puso ko dahil kailan na namang umalis ni Mama para magtrabaho. "For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Bumuntong- hininga ito. "Jeremiah 29:11. That verse made my worries go away. Bakit pa ba ako nag-woworry kung gayon na ibinigay ko na ang lahat sakanya?"
Napangiti ako.
"Ikaw lagi ang nag- lelead sa kanila. Thank you, nakong." Binigyan ako nito ng mahigpit na yakap.
Ngunit nawala ang pag- asa na ito ng mabalitaan naming na- ospital ito at bumalik sa dati ang lahat at kahit ako ay nawalan na rin ng pag- asa na pwede pala kaming magkaisa.
"Pwede bang huwag na lang mag- aral? Lagi nalang tayong nilalait." Sabi ni Beatrice. "Oo nga, wag na tayong pumasok bukas. Wala rin naman si Mrs. Salalila."
"Iniwan lang rin tayo." Sagot ni Zeqib.
"Ayaw pa tayong pa-bisitahin. Tss. Napagod siguro sa atin." Napahigpit ang hawak ko sa papel. Nagising ang aking diwa at tumayo ako. "Ganiyan niyo ba naalala si Mrs. Salalila? Ganiyan ba ang mga tinuro niya?"
"Anim ang napunta sa guidance ngayon linggo. Si Mrs. Salalila nasa ospital at kapag babalik siya ganito ang ipapakita natin? Puro kawalanghiyaan? Lahat ng itinuro niya dapat i-apply niyo for once. Hindi yung puro kabastusan ang unahin niyo! Please naman, kahit ngayon lang magsipagtino naman kayo. Lahat tayo may rason pero hindi non jinujustify ang mga kagaguhan niyo."
Pinasa ko ang papel na ginawa ko. " Donation for the best teacher?"
Tumango ako. "Mag-iipon tayo ng pera. Gagawa tayo ng simpleng mga booths at lahat ng malilikom ay gagamiting tulong para kay Ms. Salalila pero sa nakikita ko ngayon." malungkot akong ngumiti. "Hindi natin kaya..."
"Hindi mo rin kami masisisi dahil bawat pagbaril ng salita ng iba nating teachers katulad ng wala kang mararating sa buhay napapaisip ako na baka wala nga. Kung hindi nila kami kayang respetuhin ganoon rin ang gagawin namin, Celine."
Napayuko si Ferdie. " Pero tama ka, ayokong makita akong ganito ni Mrs. Salalila. Gusto kong makita niya na sinusubukan kong mag- aral ng mabuti."
"Kaya tutulong ako." Taas niya ng kamay.
"Tutulong kami, Pres."
Nang magtaas na ng kamay ang lahat.. sa wakas ay nagkaisa kami.
Doon ko na-realize kung gaano ang epekto ng isang tao saiang buhay. Maaring siya ang magbibigay ng kalungkutan o pag- asa. At si Ma'am Salalila ang nagbigay ng pag- asa sa akin o saamin na may kagandahan rin pala ang buhay... Siya ang nagsilbing liwanag ng aming pinagkaisang bituin.
YOU ARE READING
One Shots (COMPLETED)
Fiksi RemajaThis one shots are filled with different topics with different genres.It's still on-going but i'm gonna update it once a week so stay tuned! This is also a preparation for my upcoming novels. Started: 08/27/22 Ended: 04/30/23 (Completed)