Kabanata 02

23 0 0
                                    


Diana's Pov

I saw him again.

It was just like yesterday when you and i meet.You still look the same but mire matured now.

 Where are your promises on me as you laugh with other firl now and here i am going back again and again to our memory lane...alone.

"When i grow up,magiging architect ako tapos etong lupang ito bibilhin ko yan para dito natin itatayo ang bahay natin tapos sina Nanay at Tatay tutulungan ko rin bibigyan ko ng negosyo."

Tinignan ko siya."Hmm.Asus!Paglaki mo baka kalimutan mo na ako tas ipagpalit mo ko sa americanang babae!"

Umiiling ito ng maraming beses at pumunta sa likod ko.Naramdaman ko nalang ang mga kamay niya sa beywang ko at ang baba niya sa aking balikat."Itaga mo 'yan sa bato,Dianna Carmen."

Nilagay ko ang aking kamay sa mga kamay niyang nakahawak saakin.

"Sabi mo 'yan ha?Huwag mo akong iiwan."

"Pangako."

Pangako..

Nangako ka pero lumipas ang ilang taon bakit parang napako ang mga ito?

Ako ang nandito sa tabi mo..palagi.

"Nakakainis!Bagsak ako!"Sambit ni Dom at sinipa ang bato na nasa aming paligid.

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya mula sa likod."Saan ka ba nahihirapan?Tutulungan kita."Naramdaman ko naman ang pag-iling nito na siya naman ikinapiga ng aking puso."N-ahihiya ako s-sayo eh.Gusto kong may mapatunayan s-siyempre.

Tinanggal ko ang pagkakayakap at pumunta sa harap niya.Gamit ang dalawang kamay tinaas ko ang nakayuko niyang mukha at tinignan siya sa mata."Ang magkasintahan ay nagtutulungan,Dominique.Hindi naman kita inagot dahil palagi kang mataas at magaling sa lahat e.Noong sinagot kita,tanggap ko ang buo mong pagkatao.Lahat-lahat."

Ngumiti ito kasabay naman ng pagsingkit ng kaniyang mga mata at pagguhit sa gilid ng mga labi niya."Salamat sa pagmamahal."

Araw-araw at gabi-gabi ko siyang tinuruan sa mga hindi niya naiintindihan...Dahil alam kong ito lamang ang maitutulong sakaniya.

At dumating na sa punto na nakalimutan ko na rin ang sarili ngunit patuloy pa rin ako saaking ginagawa.

Hinihingal akong huminto sa pintuan ng aming classroom na siya namang nakapagpukaw ng atensyon ng aking mga kaklase at guro.

"Late again,Ms.Rivera?!"Galit na sigaw ni Ma'am Mendez--ang aming filipino teacher.

"This is your fourth time being late.Sumosobra na!"

Napayuko na lamang ako dahil alam kong ako ang mali.Ginagabi ako dahil gabi kong tinuturuan si Dom at madaling araw ginagawa ko naman ang mga para sa sarili ko.

"I'm sorry,Ma'am."

Napa-iling ito."Matalino ka pero ano ang nangyayari sa'yo?Alam ko na alam mong exams week ngayon pero anong ginagawa mo?Panay late at ambababa ng scores mo."

Pinigilan ko ang buti ng luha na maaring tumulo at humigpit ang hawak ko saaking bag.

"Pumasok ka na.Magtest ka pero may deduction na ng 15 points.."

Napataas ang tingin ko at napatango."Maraming maraming salamat po!"

Kagabi kasi ay sobrang focus ni Dom at nahihirapan akong sabihin na magrereview naman ako para sa sarili ko.Ayaw ko namang isipin niya na mag-isa siya.

Na kahit magtagumpay siya at ako hindi...kuntento na ako roon..

"Huy!Carms!Okay ka lang ba?"Tanong ni Dom habang nandito ulit kami sa tambayan.

One Shots (COMPLETED)Where stories live. Discover now